• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Assunta de Rossi admits she has infertility problems

EXCLUSIVE: Assunta de Rossi admits she has infertility problems

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/27/2017 12:35 AM
EXCLUSIVE: Assunta de Rossi admits she has infertility problems


032717-AssuntadeRossi_PUSH.jpgMatagal nang kasal sina Assunta de Rossi at ang dating congressman na si Jules Ledesma pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Ayon kay Assunta nang makausap siya ng PUSH ay gustung-gusto na rin daw niyang magkaanak.

“Sana naman kung didinggin ng Panginoon ang dasal ko, oo naman. Every year naman yon ang dinadasal ko, eh, ayaw lang talagang pagbigyan pa,” pahayag pa niya.

Pabor ba silang mag-asawa na magkaroon ng anak sa ibang paraan tulad ng IVF or iba pang medical procedures?

“Oo naman. Kahit hindi yung natural way, open naman kami sa ganu’n, eh. Kahit anong proseso at pinag-uusapan naman namin yon,” sagot niya. Pinaghahandaan na rin daw niya ang tungkol dito ngayon.

“Pini-prepare ko nga itong body ko ngayon. Ang number one priority ko ngayon talaga muna is my well-being.

“Kasi kahit gumastos ka ng ilang milyon kung yung katawan mo ayaw, hindi kaya or you’re not healthy basically, wala ring mangyayari, di ba?”

Eh, ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi sila makabuo ng baby ni Jules?

“My infertility kasi ako, so lahat ng pampa-infertile napunta na ata sa akin. Siguro dahil with all the stress, kasi ang focus nga namin for the last ten years was San Carlos (hacienda nila), so kung anu-ano ng tumutubo sa akin.

“Nagka-myoma ako. Nag-endometriosis ako. Mababa ang matres ko. Hindi ako maka-produce ng cervical mucus masyado. Pero puwede naman yang ayusin, isa-isa nga lang,” pagtatapat niya sa amin.

Eh, how about having a surrogate mother para sa kanyang baby since hindi nga siya ganu’n ka-healthy?

“I really don’t know. I’ll cross the bridge when I get there. Puwede kong sabihing oo, puwede ko rin namang sabihing hindi, pero baka in the end magpalit ako ng isip, di ba? So I really don’t know. Maski adoption, I really don’t know the answer to that,” deklara niya.

Malungkot ba siya na until now hindi pa niya nabibigyan ng anak ang asawa?

“Oo, pero at the end of the day, alam kong hindi ako yung totally wala nang pag-asa talaga. Magkaiba yon, eh. Pag infertile, malulungkot ka sandali pero kayang-kayang ayusin yan with the technology nowadays. Ngayon kasi anything is possible, eh,” rason pa ni Assunta.

Samantala, si Assunta ay bida sa indie film na “Higanti” na showing na sa mga sinehan. Kasama niya sa pelikula sina Jay Manalo, Jon Lucas at Katrina Halili.