Celebrities reveal secrets to achieving a summer-ready body

Some celebrities share their secrets to getting ready for summer.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/26/2017 9:40 AM
Celebrities reveal secrets to achieving a summer-ready body


032617-Celb_PUSH.jpgDahil uso ngayon ang hashtag summer goals kung saan nagpapaganda ng katawan ang karamihan na pasok sa season, nag-share ng kanilang secrets ang ilang personalidad kung paano nila na-achieve ang magandang pangangatawan.

Si Beauty Gonzalez na ikakasal na ngayong taon, nagsabi na sabayan ng healthy na pagkain ang exercise. Itodo na nga naman ang effort kung gusto maging sexy.

"Kahit anong exercise mo you have to start eating healthy. Kumain ka ng pagkain masustansya. Bawasan ang carbs at sweets."

Ang 50-year-old na supermodel at health advocate na si Tweetie de Leon hindi tumitigil sa pagtuklas ng bagong mapaglilibangan para laging may excitement ang buhay.

"Siguro that’s the secret of staying fit. You discover new things, you discover something new you want to learn to be good at."

Si Enzo Pineda naman halos tumira na sa gym dahil Lunes hanggang Huwebes ay aktibo siya sa workout routines.

"Nasa gym po ako almost everyday, Monday to Thursday kapag wala taping. Siyempre summer na, expect natin na may mga pa-topless na scenes dyan soon."

Kabaligtaran naman ito ng bagong Kapamilya actress na si Bianca King na tamad mag-gym kaya’t isinisingit sa araw-araw na routine ang physical activities.

"Do a lot of incidental excercise like use the stairs more, walk more, carry your own bags mga ganun," pagtatapos ni Bianca.