• Home
  • Fresh Scoops
  • Bamboo, Lea Salonga, Sharon Cuneta welcome Sarah Geronimo back to ‘The Voice’

Bamboo, Lea Salonga, Sharon Cuneta welcome Sarah Geronimo back to ‘The Voice’

Sarah Geronimo says it’s a treat for her top be working with music icons once again.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/26/2017 9:52 AM
Bamboo, Lea Salonga, Sharon Cuneta welcome Sarah Geronimo back to ‘The Voice’


032617-SarahGeronimo_PUSH.jpgSumabak na sa blind auditions ang mga teen contenders sa newest edition ng The Voice Philippines na mas pinasabik ng pagbabalik bilang coach ng popstar princess na si Sarah Geronimo.

Sa panayam na ito na ginawa sa isang set visit, ibinahagi ng mga coaches na sina Bamboo at Lea Salonga ang kanilang kasiyahan sa muling pakikipag-trabaho kay Sarah.

Para kay Coach Bamboo, ikinasiya niya na balik sila sa apat na magtutulong-tulong na maabot ang pangarap ng mga bagong bituin.

"Of course it changes the dynamics. And balik sa old team na apat kami so it's fun as well na anytime we had something in the past it follows, it's nice."

Excited din ang Broadway pa na si coach Lea sa pagbabalik ni Sarah dahil nakakahawa umano ang masaya at positibong energy ni Sarah.

"It's so much fun having her back. I really missed her, I love her energy and I think her fans will really enjoy her. I the think a year a way did a lot of good for her and we did miss her and it so much fun to sit beside her for this season. Her energy is so infectious and bubbly and entertaining, positive and happy.

"I think she's having much easier [time] to go around on the blinds [Blind audition] in getting and fighting for the one she'd likes," pagbabahagi pa ni Lea.

Para naman kay Megastar Sharon Cuneta na first time makakasama si Sarah sa programa, mas challenging ang ikumbisini ang kabataan lalo na at siya ang pinaka-senior sa hanay ng mga coaches.

"Nakakakilig pag ikaw ang pinipili, lalo na at apat na kami tapos ako ang pinaka senior coach tapos parang alam mo na sa tugtog pa lang, minsan mali pa din ang hunch mo kung ikaw ba ang pipiliin o hindi."

Pagbibiro pa ni Megastar, "Sabi ko nga sa makeup artist ko na sharonians kapag wala akong nabuong team kayo nalang ang team ko but then a little by little nakarami naman na ako."

Halo-halong emosyon naman ang nararamdaman ngayon ni Sarah sa kanyang pagbabalik sa programa. Aniya, isa sa mga binalikan niyang talaga ay ang makatrabaho ang mga coaches na itinuturing niyang icons ng industrya.

"Siyempre po yun pa din po ang pinagpapasalamat ko ng husto at yun din naman po ang babalik-balikan mo. Isa din po ang mga coaches sa mga dahilan kung bakit ako bumalik kasi hindi naman po everyday may opportunity na maibigay sa ‘yo ay ang makatrabaho ang mga icons ng music industry. Treat na din po ito sa akin. Kumbaga halo halong emosyon," pahayag ni Sarah.