Where is Binibining Pilipinas candidate 36?

Stella Marquez-Araneta also reacts to questions about replacing candidate 36.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/25/2017 9:35 AM
Where is Binibining Pilipinas candidate 36?


032517-Binibini_PUSH.jpgFrom 40 candidates, 39 na lang ang rumampa at ipinakilala bilang official candidate ng 2017 Binibining Pilipinas. Wala na sa listahan ang candidate #36 na si Mae Lanie Chan na na-disqualify dahil sa isang sexy fashion shoot na ginawa nya bago sumali sa pageant.

Isa sa bets ng Aces and Queens si Mae Lanie Chan, 25-years-old, mula Isabela province at isang flight attendant sa Philippine Airlines.

Nagsalita rin si Stella Marquez-Araneta kung papalitan ang nawalang candidate para kumpleto muli ang 40 candidates na agad niya naman sinagot. 

"We have to take this to the executive committee, so maybe we could get one more girl to replace the one that was taken just to please you people.”

Hindi na bago sa history ng Binibining Pilipinas ang pagtanggal sa mga kandidata at pagpapalit ng mga nanalo ng titles ng isang beauty queen. Aminado ang pageant search na kailangan nilang maging mahigpit dahil bansang Pilipinas ang ire-represent ng mananalong mga beauty queens.