• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata and Edward Barber share their excitement about working with kapamilya stars

Maymay Entrata and Edward Barber share their excitement about working with kapamilya stars

Maymay Entrata and Edward Barber are happy that their fans are eagerly awaiting their first project together.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/25/2017 9:41 AM
Maymay Entrata and Edward Barber share their excitement about working with kapamilya stars


032517-MayWard_PUSH.jpgKabado at tila star struck pa rin ang Pinoy Big Brother Lucky Season Seven big winner na si Maymay Entrata tuwing nakakakita ng ibang artista. Aniya, hindi pa rin daw siya makapaniwala na madalas niya na makakasama ang kanyang mga iniidolo ngayon.

“Excited na excited ako na nakikita ko sila palagi. ‘Di ako makapaniwala na nakaksalamuha ko na sila araw araw. Oh my God!” excited na bungad ni Maymay. 

Si Edward naman na lumaki sa Germany, masaya na nakikilala niya na ang mga local celebrities sa tulong nina Maymay at Kisses Delavin.

“I didn't know many pero because of Maymay and Kisses especially they told me a lot!” 

May mensahe rin ang MayWard tandem sa kanilang fans na ‘di na makahintay sa una nilang proyekto na magkasama.

“It’s exciting for us that we can make other people excited [about] things we might do, we could do. So excited to do whatever comes,” saad pa ni Edward.

Kuwento naman ni Maymay, “Nakakatuwa po isipin na nag-expect sila, nae-excite sila ganyan kung ano mangyayari sa amin dahil nga po nakakatuwa din po isipin na nage-expect sila sa amin.”

Bukod dito magkahalong kaba at excitement naman ang nararamdaman ngayon ni Maymay para sa kanyang pag-ganap sa kanyang sariling life story sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, March 25.

Kuwento ni Maymay, malaki ang naitulong ng kanyang pinagdaanang workshop bilang paghahanda sa kanyang first drama experience sa telebisyon.

Mabuti naman po, Nakakatulong po iyon ng malaki para sa akin bago po ako sumalang sa MMK,” kuwento pa ni Maymay.

Sa ngayon, hangad ng fans MayWard tandem ang malaking tagumpay para sa kanilang iniidolo na magandang halimbawa sa mga kabataan ngayon.