Kaye Dacer admits Aljur Abrenica still owes her money

Kaye Dacer says that Aljur Abrenica hasn’t paid for the house he bought from her.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/25/2017 9:35 AM
Kaye Dacer admits Aljur Abrenica still owes her money


032517-KayeDacer_PUSH.jpgHindi sinasadyang maungkat ng ilang press sa broadcast journalist at presidente ng 8 Trimedia Broadcasting Network na si Kaye Dacer kung totoong hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran ni Aljur Abrenica ang balanseng umaabot sa P1.3M sa nabili nitong bahay sa kanya noong 2011.

Mula raw noong mabili na nila ang bahay ay hindi na nakipag-communicate si Aljur sa kanya hanggang nakalimutan na nga niyang may utang pa ang actor at nitong 2017 lang niya ulit naalala.

“Ang masakit lang do’n, hindi naman yung pera, eh… yung you completely stop communicating with me as if nothing happened, di ba? Nanahimik ako, ang tagal kong nanahimik, eh.

“Kasi para bang… ayoko namang umabot ako sa punto na para akong namamalimos sa halagang ganu’n lang when you know very well your responsibility, di ba? Wag naman sana akong dumating don sa punto na para akong mamamalimos.

“Kasi the very fact na binarat na nga yung bahay, kasi P32M ko dapat ibibenta yon, eh, parang degrading na on my part, eh. In the first place, hindi ko naman isinubo sa kanila yung bahay ko kasi nu’ng nakita nila yon, nagustuhan nila yung bahay. So yon lang, parang masakit lang,” dire-diretsong pahayag ng tinaguriang Action Lady ng Philippine radio.

Idinagdag din ni Kaye na maging ang transfer tax ay siya na rin ang pinagbayad ng pamilya ni Aljur.

“If P19M ang napagkasunduan na yon less pa yung mga transfer taxes and all, less pa yung commission na naibigay ko sa ibang tao, magkano na lang yon? Less pa yung P1.3M na hindi mo nababayaran. So, P17M na lang ba yung value ng bahay ko?” pahayag pa ni Kaye.

Wala na ba siyang balak singilin ang actor?

“Ang sa akin lang, I want him to realize that he still owes me. Yon lang ang sa akin. Sana naman maisip niya na may responsibilidad pa siyang natakbuhan na napakatagal ng panahon.

“Hindi kasi ako naniningil, eh. Hindi ako naghabla. Kung tutuusin nga na gusto ko talagang maghabla, meron talaga akong grounds to do so kasi binding naman yung kontratang napirmahan namin. Actually, yung balance after the bank release ng loan niya, eh, pero hindi naman natupad ‘yon,” kuwento pa niya.

Samantala, naging maayos ang pag-alis ni Kaye sa ABS-CBN at sa programa Aksyon Ngayon ng DZMM noong December of 2016. Ano ba ang adjustment ngayong presidente na siya ng sariling broadcasting network kumpara noong anchor lang siya ng isang radio program?

“Sobrang hirap. Hindi ko akalain na… kasi doon (DZMM) sarili ko lang, yung mga taong tinutulungan ko lang ang concern ko, eh. Pero dito sa 8 Trimedia at DZRJ, lahat ng taong nasa loob ng network concern ko yon, di ba?

“Kumbaga, I have to deliver. Doon sa Aksyon Ngayon, I have to deliver lang in one hour. Dati-rati ako yung taga-sunod lang. Dito hindi naman ko sila pinapasunod because they have their freedom, pero ako yung at the helm, kaya parang hindi ka puwedeng magkamali at hindi mo puwedeng hindi mapagtagumpayan ang network,” pagtatapos ni Kaye.

Main photo credit to the owner