• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Multi-awarded actor Allen Dizon not considering acting as his main job

EXCLUSIVE: Multi-awarded actor Allen Dizon not considering acting as his main job

Despite winning numerous acting awards, Allen Dizon doesn’t see his showbiz career as permanent.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/25/2017 9:34 AM
EXCLUSIVE: Multi-awarded actor Allen Dizon not considering acting as his main job


032517-Allen_PUSH.jpgMay ibang pinagkakaabalahan ang multi-awarded indie actor na si Allen Dizon kapag wala siyang ginagawang pelikula o TV project.

“Everyday, pag walang ginagawa, busy ako sa negosyo. Sa Pampanga lang ako, yung car restoration, yung Kenny Rogers franchise ko. Tapos exercise lang everyday, tennis or bike, ganu’n lang.

“Dati adik ako sa gym – morning saka hapon. Pero ngayon, hindi na. Ito na kasi yung age ko na dapat nag-i-enjoy ka. Ang tennis, ini-enjoy ko. Ang gym kasi, boring na sa akin yan, eh. Hindi ako nag-i-enjoy, parang nabo-bored na ako,” kuwento ni Allen.

About retiring?

“Hindi ko iniisip ang retirement, eh. Kumbaga, acting is continues learning yan, eh. Pero para sa akin ha, hindi mo dapat itong gawin na bread and butter, eh. Kailangan meron kang fall back. Meron kang sariling negosyo at meron kang sariling income.

“Kasi ito (pag-arte), hindi ito permanente. Hindi ito everyday may taping ka. Hindi everyday may syuting ka, hindi laging leading man ka at hindi lang sikat ka.

“Dapat ano lang, cool lang, relax lang, walang pressure. Kung walang kumuha sa akin sa TV o movie, it doesn’t matter. Hindi ako affected kasi I have my own business. Meron akong sariling negosyo.

“Kaya kong mabuhay on my own. Mabubuhay ako kahit wala ako sa showbiz, okey ako,” katwiran ng magaling na aktor.

Samantala, patuloy pa ring kinikilala ang galing ni Allen bilang aktor sa pelikulang Iadya Mo Kami (Deliver Us) na ipinalabas last year. Wagi siyang best actor sa Gawad Tanglaw at hinirang din na pinaka-pasadong aktor sa Gawad Pasado.

May bagong challenge din sa career niya as an sa pelikulang Bomba (The Bomb) ni Direk Ralston Jover kung saan he will be portraying a deaf character. Bilang paghahanda, nag-aral ng sign language at nag-immerse pa si Allen eskwelahan ng mga deaf students.