• Home
  • Fresh Scoops
  • Stella Marquez-Araneta refuses to comment on issue about a Bb Pilipinas candidate

Stella Marquez-Araneta refuses to comment on issue about a Bb Pilipinas candidate

Stella Marquez-Araneta reveals pointers for Binibining Pilipinas candidates

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/24/2017 9:47 AM
Stella Marquez-Araneta refuses to comment on issue about a Bb Pilipinas candidate


032417-StellaAraneta_PUSH.jpgMula sa katatapos lang na 65th Miss Universe pageant na idinaos dito sa Pilipinas, mainit na sinusubaybayan ngayong taon ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas na ipapapdala sa iba’t-ibang international pageants.

Kung kaya para kay BPCI head Stella Marquez-Araneta, mas masusi ngayon ang magiging pagdadaanan ng kandidata lalo pagdating sa Question and Answer portion.

"I think in a contest—whether in any other contest—also the girl has to know how to answer and how to project her thoughts about the country."

Ayon pa kay Mrs. Araneta, mayroong sariling pamamaraan ng computation at standards sa Binibining Pilipinas patungkol sa Q&A at naka-base din ito sa magiging performance ng mga kandidata.

"We have the percentage and it is important in the beauty contest we are going to send the girls abroad and they have to pass not only the beauty, walking, but it has to be how to project the country here and abroad."

Sabi pa ni Mrs. Araneta, walang magbabago sa nakasanayang Binibining Pilipinas ngunit aminado sila na nag improved ito kumpara noon.

"We are trying to improve what we do but we are not going to change."

Naging matipid naman si Mrs. Araneta sa pagbibigay detalye tungkol sa naging issue kay Binibining Pilipinas Candidate number 36 na si Mae Lanie Chan na hindi kasamang ipinakilala sa press presentation.

"I'm very strict with backgrounds, with candidate number 36 I don't want to tell any other [thing]. But we are strict when we find out something that if she is not a candidate we are going to send abroad," sabi pa ni Mrs. Araneta.