• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin and Marco Gallo reveal their dream summer plans

Kisses Delavin and Marco Gallo reveal their dream summer plans

Kisses Delavin and Marco Gallo still feel overwhelmed by all the attention.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/23/2017 10:40 AM
Kisses Delavin and Marco Gallo reveal their dream summer plans


032317-KissesMarco_PUSH.jpgAbot-abot ang excitement at kasiyahan ng former Pinoy Big Brother Lucky Season seven housemates na sila Kisses Delavin at Marco Gallo sa kanilang unang showbiz appearance sa katatapos lang na MYX Music awards 2017.

Hindi akalain ng dalawa na dudumugin sila ng mga fans na tumutok sa kanilang journey sa loob ng bahay ni kuya.

“Sobrang dami ng camera, sobrang nakaka-overwhelm. Sobrang happy ako,” ani ni Kisses.

Flattered naman si Marco sa mga pagbabagong ito ngayon sa kanilang mga buhay.

“Nakaka-flatter kasi di ko akalain na sa 16 years ng buhay ko nandito na ako kaya sobrang blessed ako.”

Ngayong umpisa na ng summer season, excited din ang dalawa sa kanilang mga plano kung saan magbabakasyon.

Kuwento ni Kisses na gusto na niyang mag-swimming. “Gusto gusto ko tumalon sa isang body of water. Matagal na kami ‘di nakaka-swim sa totoong dagat. Kapag wala ginagawa gusto ko mag-beach po.”

Dream Vacation din naman ang wish ni Marco ngayong summer kung saan gusto niya kasama ang kanyang pamilya at kaibigan.

“Sa ngayon po wala pa po. Pero marating ko sana ang lugar na matagal ko na gusto puntahan with friends, sa Palawan po kasama rin ang family,” kuwento ni Marco.

Pigil muna sa pagbibigay detalye ang dalawa na kinukulit na ng fans tungkol sa mga projects na kanilang aabangan.

“Kapag pwede na kami magsalita. We’re so excited to tell all of you kung ano ang pwede namin gawin in the future,” paliwanag ni Kisses.