• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Hashtag Jon Lucas proudly admits that he is a mama’s boy

EXCLUSIVE: Hashtag Jon Lucas proudly admits that he is a mama’s boy

Hashtag Jon Lucas says being a mama’s boy in real life helped him in his role in ‘Higante.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/23/2017 10:38 AM
EXCLUSIVE: Hashtag Jon Lucas proudly admits that he is a mama’s boy


032317-JonLucas_PUSH.jpgAyon kay Hashtag Jon Lucas, ang pelikulang Higanti ang maituturing niyang biggest break so far sa pelikula. Ginagampanan ni Jon sa pelikula ang role ng isang mapagmahal na anak ni Assunta de Rossi.

“May pagka-mama’s boy po ako dito. Mas mahal ko yung nanay ko dito kesa sa father ko (played by Jay Manalo),” kuwento pa niya.

Hindi naman itinanggi ni Jon na sa totoong buhay ay mama’s boy din siya talaga.

“Sa totoong buhay po mama’s boy din talaga ako, sobrang close na close ako sa nanay ko kaya medyo nakatulong yon sa pag-portray ng role ko.

“Baby Boy nga po ang tawag niya sa akin kahit ganito na ang edad ko na 21 na po ako. Sa harap ng maraming tao Baby Boy pa rin ang tawag niya sa akin. So, nakasanayan ko na yon hanggang ngayon,” pagtatapat niya.

Hindi ba siya nao-awkward na Baby Boy pa rin ang tawag sa kanya ng mom niya kahit nasa early 20s na siya?

“Hindi po. Sa totoo lang, sobrang daming naiinggit sa akin dahil kahit daw ganito na yung edad ko Baby Boy pa rin yung tawag sa akin ng nanay ko. Para sa akin sobrang sweet po talaga non. Ibang closeness po,” reaksyon ni Jon.

Inamin din ni Jon at hindi niya ikinahiya na sa kuwarto pa rin siya ng mommy niya natutulog hanggang ngayon.

“Pag umuuwi po ako sa Cainta, isang room pa rin kami tapos gusto ko talagang katabi yung mommy ko. Sabi ko nga, kahit na siguro yumaman kami o magkaroon ng sariling malaking bahay mas gugustuhin ko pa rin na nasa isang kuwarto lang kami. Kasi nasanay na ako talaga na magkakatabi po kami habang lumalaki ako,” sey pa niya.

Alam din daw ng mga naging girlfriends niya noon kung gaano siya ka-sweet sa nanay niya.

“Kunyari, lumalabas kami sa mall, mas sweet pa ako sa nanay ko, sobra talaga. Mas gusto kong pinapakita yung lambing ko sa kanya.

“Proud po akong sabihin na mama’s boy ako at kung gaano ako ka-close sa nanay ko, sobra,” pagdidiin pa ng binata.

Walang girlfriend ngayon si Jon dahil gusto raw muna niyang mag-concentrate sa kanyang career.

“Trabaho po muna talaga. Tsaka yung kapatid ko kasi malapit nang matapos sa kolehiyo kaya focus muna ako sa work,” pagtatapos ni Jon.