• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual admits he wants to take his ‘special someone’ to see the real northern lights

Piolo Pascual admits he wants to take his ‘special someone’ to see the real northern lights

Piolo Pascual shares his memorable experiences while filming ‘Northern Lights’ in New Zealand.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/22/2017 9:50 AM
Piolo Pascual admits he wants to take his ‘special someone’ to see the real northern lights


032217-PioloPascual_PUSH.jpgNasa bucket list ni Piolo Pascual ang makita ang Northern Lights na hindi niya nakita nu’ng nagsusyuting sila nina Yen Santos at Raikko Mateo ng Northern Lights: A Journey To Love sa New Zealand.

Ang New Zealand kasi ay nasa Southern hemisphere kaya Southern lights o Aurora Australis lang ang makikita at hindi ang Aurora Borealis o Northern Lights.

Gusto raw niyang isama sa lugar ang pinakamamahal niyang mommy pag nagpunta siya doon.

“For me, parang you know, ever since I was a kid, I always wanted to take her around, so now, you know, my mom is 70 so, with a few decades that she has left, I want to take her around and take her to places na makikita pa niya.”

Bukod sa mom niya, balak din daw niyang isama ang kanyang special someone.

“Siyempre naman, mas maganda rin na kasama mo ‘yung special someone mo, sa mga ganung pagkakataon, gusto mo na kasama mo ‘yung special someone mo,” dagdag pa niya.

Bumilib naman si Piolo sa pagka-professional ng mga New Zealanders na nakatrabaho nila habang ginagawa nila ang Northern Lights.

“Ako, sobra akong kinilig du’n sa experience kasi para kaming gumagawa ng Hollywood film, eh. Kasi grabe ‘yung pagka-systematic nila.

“As much as they’re very strict, they follow certain rules of course na they have to pull out at this time, they have to be back at this time, so everything else is kumbaga, everything is in order pati ‘yung catering namin. Everything is standardized,” kuwento pa ng aktor.

May mga rules din daw silang kailangang sundin habang nagsusyuting.

“Kumbaga, in every film outfit or for every department or any group or organization na nagsu-shoot sa New Zealand, they have a standard rule. They have things that we have to follow.

“So doon medyo nag-balloon ang expenses namin, because we have to make do with several shooting days that we had in Queenstown,” pahayag pa niya.

Pero kahit daw medyo lumobo ang kanilang budget, magandang experience pa rin daw ito para sa kanila.

“It was such an experience because of the discipline that you have to have para marami kayong magawang eksena and we really wanted to cover more with the given time that we had,” sambit pa niya.

Palabas na ang Northern Lights on March 29. Producer ng pelikula ang Regal Films, Star Cinema, at Spring Films.