Pia Wurtzbach addresses the issue of “Darna”

Miss Universe 2015 also comments on Binibining Pilipinas’ latest batch of candidates.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/22/2017 4:02 PM
Pia Wurtzbach addresses the issue of “Darna”


032217-PiaWurtzbach_PUSH.jpgPresent sa naganap na media presentation ng 2017 Binibining Pilipinas candidates si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

Masaya si Pia na naging inspirasyon siya ng ibang kandidata na paulit ulit din sumali upang maabot ang kanilang pangarap na korona sa Binibining Pilipinas.

"Nakakatuwa na hindi sila nawawala ng lakas ng loob na abutin ang mga pangarap nila at nag-try padin sila ulit," bungad ni Pia.

Ani niya magaganda ang mga kalahok ngayon kung kaya challenging ang pumili ng mga magiging kinatawan ng bansa sa international pageants.

"It's a very good batch. Ang gaganda nilang lahat medyo mahirap ang pumili ng winners."

Bukod dito, nagbigay reaksyon din si Pia tungkol sa mga haka-haka at siyang napipisil bilang susunod na gaganap bilang iconic Pinay super hero na Darna matapos ang naging anunsyo ni Angel Locsin na hindi na niya magagampanan ang role dahil sa health reasons.

"Nagpapasalamat ako na ako ang napupusuan na maging Darna pero hindi ako e," sabi ni Pia.

Dagdag pa nito ang muling pasasalamat sa pag konsidera sa kanya pero naniniwala siya na may mas magandang plano sa kanya ang ABS-CBN.

"Thank you, pero parang Iba ang plano ng ABS-CBN para sa akin," sabi ng beauty queen.