• Home
  • Fresh Scoops
  • Marion Aunor says it’s an achievement to write a song for Megastar Sharon Cuneta

Marion Aunor says it’s an achievement to write a song for Megastar Sharon Cuneta

Marion Aunor admits she did not expect Sharon Cuneta would choose her song.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/22/2017 9:45 AM
Marion Aunor says it’s an achievement to write a song for Megastar Sharon Cuneta


032217-MarionAunor_PUSH.jpgMasaya si Marion Aunor na napili at nagustuhan ni Megastar Sharon Cuneta ang kantang sinulat niya para sa bagong album nito sa Star Music.

“Hindi ko ini-expect na makukuha pero nakuha siya. And then ang comment daw on my song sabi ni Miss Sharon, parang new, parang current daw yung sound. I’m so happy na nagustuhan niya at nakapasok yung kanta ko sa kanila,” balita sa amin ni Marion.

Patuloy pa niya, “Kapag binigay ko po kasi yung song sa kanila, bahala na po sila, tapos masu-surprise na lang po ako. Pero usually naman po, nag-i-stick sila sa kung ano yung ginawa ko. Pero kung mabago man po, okey na sa akin yon, at least, Sharon Cuneta yung kakanta ng ginawa ko.”

Ang title ng kanta ni Marian na ginawa for Sharon ay “Lantern.”

“Actually, parang ano siya, yung feeling na gusto mo nang mag-give-up talaga, na sobrang down ka pero you will rise like a lantern in the sky. Dapat Rise yung title kaya lang meron na si Katy Perry na ‘Rise,’ baka sabihin ginaya ko,” natatawa niyang pahayag.

Napakalaking bagay ba para sa kanya bilang composer na magawan ng kanta si Sharon?

“Of course. Kasi parang achievement talaga as a composer although I’m very grateful na marami na rin akong nabigyan ng kanta from Star Music artists, pero parang milestone talaga kapag ang nabigyan mo is like her na icon na sa industry,” pagmamalaki ni Marion.