Luis Manzano is not affected by people who bash his looks

Luis Manzano says Jessy Mendiola and his mom Vilma Santos get along very well.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/22/2017 9:30 AM
Luis Manzano is not affected by people who bash his looks


032217-LuisManzano_PUSH.jpgSa TV Patrol, natutuwa diumano si Luis Manzano na kasama na niya ngayon ang girlfriend na si Jessy Mendiola sa advocacy niya na pangalagaan ang karagatan. Lumilikom ngayon ng pera si Luis para sa World Wide Life Fund.

Ayon sa report, diver na si Luis mula 2007. “So many beautiful fishes dito, so many beautiful corals, biglang may nakapatong na kung anu-ano. Basura. Na kaya naman ayusin…iwas muna tayo sa plastic.”

Hindi rin diumano makikiuso si Luis sa marriage proposals sa showbiz. “She’s (Jessy) only 24, and (pagbibiro niya) I’m turning 25 na rin, so parang she still has so much responsibilities for herself, for her family.”

Masaya rin si Luis sa weekly bonding nila ni Jessy, kasama ang ina niyang si Governor Vilma Santos. “Casual, as organic. Yung totoo lang, walang pretensions. So kulitan, kwentuhan ng mga kalokohan.”

Masaya rin siya na nagkakasundo si Jessy at ang kanyang Ina. “Yes they are, and I’m very, very happy.”

Hindi rin apektado si Luis sa mga nangba-bash sa kanyang itsura. “Sabi ko babuyin niyo yung picture ko, because I know my flaws. Hindi ako Piolo Pascual gwapo to make fun of myself. Ang nakakatawa lang yung iba siniseryoso.”