• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio on being called ‘malandi’: ‘Baka isipin nila lahat hinaharot ko’

Loisa Andalio on being called ‘malandi’: ‘Baka isipin nila lahat hinaharot ko’

Loisa Andalio defends herself against online criticism.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

3/22/2017 9:56 AM
Loisa Andalio on being called ‘malandi’: ‘Baka isipin nila lahat hinaharot ko’


032217-LoisaAndalio_PUSH.jpgWith new endorsements coming up left and right this year, Loisa Andalio admitted she is having a busy year. The 17-year-old actress was recently launched as the new face of Ever Bilena cosmetics which she considers a very big honor. “Sobrang saya kasi sobrang dami kong kasabayan na celebrity ngayon na kasing edad ko pero ako yung pinili nila na maging face nila. Sobrang saya kasi pinagkatiwalaan nila ako dito sa malaking break na ito,” she shared during her Ever Bilena presscon held last March 21 in Quezon city.

The new Ever Bilena endorser also shared that even if she did not win during her stint as a housemate in PBB in 2014, she is being treated like a Big Winner by management. “Masaya ako kung ganun pero hindi naman yun yung nakikita ko kasi sa ngayon siyempre wala pa rin naman akong napapatunayan. Siyempre mas ginagawa ko pa rin talaga yung best ko kaya siguro pinagkakatiwalaan ako ng management kasi nakikita nila na gusto ko yung ginagawa ko,” she said.

With her former love team partner Joshua Garcia being paired with Julia Barretto, Loisa admitted she wishes they could still work together in the future. “Siguro sayang kasi yung parang na-build namin na friendship parang na(udlot) kasi nagkaibang landas na kami. Sayang po. Pero masaya talaga ako kung anong ginagawa ni Joshua. Kasi actually kasi sobrang nakaka-proud si Joshua sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon kasi dati sa PBB naalala ko grabe nagkukulitan lang kami dun, nag-aasaran lang kami nito. Pero ngayon grabe na siya, yung pelikula niya Vince and Kath and James talagang napakagaling niya dun and sa The Greatest Love napapanuod ko napakagaling niya. Kasi dati magkatrabaho lang kami sa Nasaan Ka ng Kailangan Kita. Tapos ngayon nakikita ko ang pag-i-improve niya,” she shared.

Loisa said she had even asked Joshua if rumors were true about him and Julia. “Tinanong ko rin si Joshua dun eh. Sabi ko, ‘O ano, kamusta na kayo ni Julia?’ Kasi nag-uusap pa rin talaga kami hanggang ngayon pag sa ASAP, ganyan. Sabi niya, ‘Okay naman kami.’ Tinanong ko pero siyempre ayoko na magsalita. Basta happy ako kung happy din si Joshua talaga. Sa nakikita ko naman talagang naka-focus siya sa career niya ngayon kasi masaya siya sa kung anong nangyayari sa kanya,” she said.

Currently starring in Wansapanataym’s My Hair Lady episode, Loisa admitted it’s been hard to be paired with different guys with every new project. “Sa totoo lang mahirap kasi unang una sa lahat kasi babae ako, siyempre ayoko naman na tingin sa akin ng mga tao, ‘Ay ano ba ito si Loisa iba iba naman ang lalake nito.’ Baka isipin nila lahat hinaharot ko. Kasi may nababasa ako sa social media na, ‘Ano ba itong si Loisa ang landi landi naman.’ Eh ang sa akin lang naman ginagawa ko yung trabaho ko. Siyempre sa lahat ng trabaho ko gusto ko maganda yung kinakalabasan and siguro yung iba na-mi-misinterpret nila yun,” she explained.

The teen actress admitted she would love to have a solid love team partner someday. “Gusto kong magkaroon ng isang love team lang pero depende na lang sa management kung sino na lang yun. Ang hirap naman, siyempre ayoko magsalita kasi ang dami kong ka-love team baka ma-hurt sila. Basta ngayon kahit sino talaga. Pinaka-close ko sa kanilang lahat ngayon si Ronnie (Alonte) talaga. Siya yung close ko pero kahit naman talaga sa kanila okay lang talaga,” she added.