• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia and Julia Barretto say they have an upcoming project together

Joshua Garcia and Julia Barretto say they have an upcoming project together

Julia Barretto refuses to choose between Joshua Garcia and Ronnie Alonte for a love team partner.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/22/2017 9:59 AM
Joshua Garcia and Julia Barretto say they have an upcoming project together


032217-JoshLia_PUSH.jpgAfter ng successful team up nila sa pelikulang Vince and Kath and James, nagsama muli sina Joshua Garcia at Julia Barretto para naman sa TV commercial ng Jollibee.

Masaya at hindi pa din makapaniwala si Joshua na magiging kapareha niya si Julia na mainit na tinatanggap ng kanilang mga tagahanga ngayon.

"Masaya ako na nakapareha ko si Julia Barretto, kasi siyempre ambilis ng mga pangyayari. Kasi una pi-nitch lang sa akin yung movie tapos nagyon parang kasama ko na siya sa movie, tapos ngayon may endorsement na kami together. Nakakatuwa lahat ng nagyayari. Sana magtuloy-tuloy lang at nagpapasalamat kami na tanggap kami as together," panimula ni Joshua.

Baguhan man ang kanilang tambalan, looking forward sina Joshua at Julia para sa magaganda pang mga proyekto na kanilang pagsasamahan in the future.

"Actually hindi natin masasabi kung ano pa ang pwede mangyari pero magtiwala nalang tayo sa plano," saad ni Joshua.

Naibahagi naman ni Julia na mayroon na silang inaantay na proyketo na kanilang pagsasamahan. "The management promised us na we're going to work on something new very soon together," ani pa ng dalaga.

Bukod sa click na tambalan ni Joshua at Julia, happy din si Julia sa positibong komento sa kanilang tandem din ni Ronnie Alonte na kanya namang kasama sa A Love to Last.

"Natutuwa lang ako na mainit yung support samin ni Ronnie tapos sa amin ni Joshua because before kahit isa hindi ako makahanap ‘di ba? So now I’m thankful na the two boys naman ay tanggap ng mga manunuod and I feel grateful for that."

Dahil naiipit ngayon sa dalawang love team, tanong ng karamihan kay Julia sino na nga ba ang mas special sa kanya kina Joshua at Ronnie.

"Nakikala ko silang dalawa Ronnie and Joshua both on a very personal level and I don't think it's fair kung may pililiin ako na isa. They are both very good guys and okay kaming tatlo na if we all work together, it will work very well," paliwanag ni Julia.

Aniya, masaya siya dahil positibo at parehong tinatanggap ng mga manunuod ang kanyang mga nakakasama sa kanyang mga proyekto.

"What's nice about the management they giving Joshua a chance to shine and now they're giving Ronnie to shine with A Love to Last and if we see both of them with regards to the fan base feeling ko wala naman lamang."

Para naman kay Joshua, magkakaibigan silang tatlo mag mula ng gawin nila ang Vince and Kath and James at hindi maapektuhan ng mga intriga ang kanilang pagkakaibigan.

"Hindi naman, kailangan masanay kami sa nangyayari kasi hindi lang Vince and Kath and James ang pwede namin gawin. Marami pa kaming pwede gawin na together si hindi namin pwede sirain ang pagkakaibigan naming tatlo," pagtatapos nilang kuwento.