Beauty Gonzalez shares details of her upcoming wedding

Beauty Gonzalez says her wedding will be very small and private.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/22/2017 9:53 AM
Beauty Gonzalez shares details of her upcoming wedding


032217-BeautyGonzalez_PUSH.jpgAll smiles ngayon ang aktres na si Beauty Gonzalez sa naganap na pictorial ng kanyang bagong aabangang proyekto sa kapamilya network.

Bukod sa career ni Beauty, super happy din ang aktres sa magandang flow ng kanyang love life sa non-showbiz partner at soon-to-be-husband niyang si Norman Crisologo.

Kamakailan naging viral sa social media ang naging engagement party ni Beauty at Norman kasama ang malalapit nilang kaibigan kabilang sila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

"Well, I am getting married. We are planning the wedding already. It’s going to be this year. Pressured siyempre. Nakaka-stress din pala mag-plan ng wedding pero masaya kasi ikakasal na ako. Ayaw ko umiyak," bungad na kuwento ni Beauty.

Dagdag pa ni Beauty, bago pa man ang nasabing engagement sa Ilocos ay mayroon na siyang gown.

"I have a gown already. Hindi ako nagpapagawa ng gown dito. Bumili ako ng gown sa abroad. It’s a special gown. Wala akong entourage. Ako lang ang maglalakad. It’s a small wedding, it’s not a big one."

Kitang kita sa mga mata ni Beauty ang kanyang kasiyahan, aniya pinagpapasalamat niya sa Diyos ang lahat ng blessings na kanyang nakukuha ngayon mapa career man ito o sa love life.

"Oo, sa totoo lang, ang laki ng pasasalamat ko kay God kasi I found a guy that I want to be married to, now bumalik ako sa ABS, I have a new show. Sa awa ng Diyos, salamat. Okay lang, chill lang," sabi pa ni Beauty.

Kuwento pa ni Beauty, private ang kanilang magiging wedding at open lamang ito sa mga taong kilala at alam ang kanilang love story.

"Dalawang witness lang pero, Ako kasi, I only invite people sa wedding ko na alam ang storya namin. Maliit lang talaga siya na wedding and simple lang. Ayaw ko na magarbo masyado. Magarbo na yung suot ko so tama na yun," paliwanag ni Beauty.

Hiling din ni Beauty na maging pribado ang kanilang wedding ceremony bilang respeto niya sa non-showbiz na pamilya ng kanyang future husband na si Norman.

"Alam niyo naman si Norman is a very private person. Ang laking kapal ng mukha na yun kapag nagpa-interview siya. I respect his family, too."

Ikasal man, tuloy pa din daw sa pag-aartista ang aktres bilang pagbabalik niya sa malaking tiwala na ipanagkaloob sa kanya ng kapamilya network.

"Yes as long as they will get me and as long as gusto pa rin nila ako, why not? Ang swerte ko na nabibigyan ang ganitong work. Pero kung hindi na, marami namang magagawa pa,"Pagtatapos na pahayag ng aktres.