• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual on ‘kissing issue’ with son Iñigo: ‘I’ll always be a father to my son’

Piolo Pascual on ‘kissing issue’ with son Iñigo: ‘I’ll always be a father to my son’

The actor says he is blessed to have an understanding son like Iñigo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/21/2017 6:25 PM
Piolo Pascual on ‘kissing issue’ with son Iñigo:  ‘I’ll always be a father to my son’


032117-PioloPasacual_PUSH.jpgSa interbyu namin kay Piolo after ng presscon ng “Northern Lights” ay siya na mismo ang nag-bring up tungkol sa isyu ng viral video nilang mag-ama kung saan hinalikan siya ni Inigo bago niyakap.

“Iniisip ko how am I going to address that issue, ano bang sasabihin ko, paano ko ba sasabihin ‘yan kasi, pwede kang mapikon, pwede kang maging defensive.

“Pero you know what, at the end of the day, blessing ‘yung ganu’ng experience na habang nabubuhay ka pa, you get to experience that with your family, with your son for that matter.

“Wala akong masasabi sa mga bashers – it’s a blessing na ginagawa sa akin ng anak ko ‘yun kasi ganu’n ako pinalaki ng mga magulang ko,”  paliwanag ni Piolo.

Normal lang daw sa kanila ng anak ang maglambingan.

“Natural ‘yun, eh. Ako, gustong-gusto ko talagang nilalambing ang mga bata kasi pag lumaki na ‘yan, hindi mo na pwedeng lambingin. Pero para sa akin, para gawin ng anak ko ‘yun sa akin, gagawin ko rin sa nanay ko ‘yun, gagawin ko rin sa tatay ko ‘yun, kasi ang sarap na pasiyahin ‘yung pakiramdam ng  magulang mo, di ba?” katwiran niya.

Masaya naman ang Ultimate Leading Man kung paano hina-handle ng anak niya ang isyu. Mas matured pa nga raw mag-isip ang binata niya kumpara sa kanya. Ayon pa sa kanya, hindi nila napag-uusapan ni Inigo ang tungkol dito.

“We never even talk about it. You know, one thing good about my son, he’s 19, turning 20, sobra na ‘yung maturity niya.  May mga bagay na pinag-uusapan namin and I don’t have to filter things anymore. He’s mature enough to understand,” sambit pa  niya.

Nang tanungin kung sa tingin ba niya ay hindi mangyayari sa kanila ni Inigo ang nangyari sa mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, ani Piolo ay hindi raw tamang mag-kumpara.

“You can never compare. I mean, you know, I love Diego, he’s a good kid. Si Kuya Buboy (Cesar) din, I cannot compare that, that’s not right, para i-compare mo ang sitwasyon ng ibang tao.

 “I’ll always be a father to my son.”

Inamin naman  ni Piolo na noon ay dumaan din daw si Inigo sa stage na nahihiya at naa-awkward itong mag-kiss sa parents lalo na sa kanya.

“Dumaan si Inigo du’n, pag hinahatid ko sa school before, ayaw niya mag-kiss,” sambit ng Utimate Leading Man.

Maaaring nakatulong raw na nakikita ni Ingo na palagi pa rin niyang kini-kiss ang mommy niya kaya nawala ang awkwardness sa binata.

“Because until now, I kiss my mom on the lips. Kasi ganu’n kami pinalaki, ganu’n kaming magkakapatid, nagki-kiss kami sa lips and you cherish the moment, you treasure that moment that you get to be physical with your loved ones,” he said.