• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sunshine Cruz admits she and her kids are very happy with her current boyfriend

EXCLUSIVE: Sunshine Cruz admits she and her kids are very happy with her current boyfriend

Sunshine Cruz also talks about Diego Loyzaga.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/21/2017 10:06 AM
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz admits she and her kids are very happy with her current boyfriend


032117-SunshineCruz_PUSH.jpgHindi maitago ang kaligayahan sa mukha ni Sunshine Cruz tuwing mapag-uusapan ang relasyon nila ng kasintahang si Macky Mathay.

“Okey naman kami. Masaya naman. Positive lang pag magkasama,” nakangiting kuwento ni Sunshine sa Push.com.ph.

“Even the kids are really happy. Pero busy siya sa kids, busy ako, so most of the time he visits at home, pag weekends with the kids also,” patuloy pa niya.

Ayon pa sa aktres, hindi niya inakala na makakakita pa siya ng katulad ni Macky na matiyaga at napakabait.

“Matiyaga siya. Kahit taga-South ako at sa Greenhills siya nakatira, dumadayo talaga.

“Hindi ko nga alam na may ganyan pa palang lalaki, di ba? Hindi ko akalain na may ganyan, na despite having children, meron pa palang masigasig na… alam mo yon, parang araw-araw kang nililigawan at pinagsisilbihan.

“He is really a blessing to me and my children. Actually, they are, even yung kids niya,” pagmamalaki niya tungkol sa boyfriend.

Kasundo ba niya ang mga anak ni Macky?

“Okey naman, pero ayoko kasing, di ba… mahirap magyabang ng ano… basta so far, so good,” sey pa niya.

Nagkita na ba ulit sila ni Diego Loyzaga pagkatapos nitong maglabas ng sama ng loob sa tatay niyang si Cesar Montano gamit ang social media?

“Sila ng mga bata, nag-date sila nung nakaraang weekend, nanood sila ng Logan. Lagi namang ganu’n, meron silang time na nagdi-date silang magkakapatid,” kuwento pa niya.

Sa palagay ba niya na-resolve na ang isyu between Diego and Cesar?

“Ayokong pag-usapan yan. Whatever it is, it’s between them. Mas mabuti sigurong sa kanya (Diego) na lang manggaling kung anon a ang nangyayari ngayon,” pag-iwas ni Sunshine.

Pero mukhang wala ng mga bagong posts si Diego sa social media about his father.

“Maybe because he already said his piece. Hindi naman dapat i-prolong yung mga ganu’ng bagay,” matipid niyang pahayag.

Samantala, bumalik na ang karakter ni Sunshine sa late afternoon TV series ng ABS-CBN na Wildflower.

“I’m proud that I am a part of that show. For now buhay na si Camia pero ayokong maging spoiler. Basta abangan na lang nila sa mga susunod na araw kung anong mangyayari sa karakter ko,” pagtatapos ni Sunshine.