Ellen Adarna claims she wants to stay single this year

Ellen Adarna also clears up relationship rumors with John Lloyd Cruz and with Rico Blanco.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/21/2017 10:13 AM
Ellen Adarna claims she wants to stay single this year


032117-EllenAdarna_PUSH.jpgItinuturing na sexiest single Pinay sa ngayon si Ellen Adarna dahil sa dami ng humahanga sa kanyang angking ganda at kapilyahan sa pagsagot sa interviews. Ayon kay Ellen, mas pipiliin niya muna ang maging single sa ngayon.

"Meron naman, pero siguro hindi pa ako ready for a relationship and enjoy ko muna yung last year ko as 20s kasi mag 30 na ko next year. Siguro next year na ako mag-boyfriend,” panimula niyang sagot.

Nagbiro pa si Ellen, na tila nagpaparinig sa mga maaring may plano na ligawan siya.

"Wala nga ako ng boyfriend e, wala naman nanliligaw. Siguro kailangan nila mag effort," pagbibiro nito.

Gaya ng karamihan sa single Pinay ngayon, hindi nalalayo ang qualities na hinahanap nya sa isang lalaki.

"Gwapo, matangkad, loyal, mabait, thoughtful, yung hinahayaan ako, hindi selos o perfect e, mayaman.... I mean lahat naman ng qualities e gusto yan para sa dream guy mo talaga," saad pa ni Ellen.

Dahil single ngayon si Ellen, nilinaw ng sexy actress ang mga nachichismis sa kanya. Gaya ni John Lloyd Cruz na katrabaho nya sa sitcom na Home Sweetie Home.

"Wala. Magkatrabaho kami and friends kami. Si Lloydy is good friends with Norman (Crisologo) who is also one of my best friends kaya nagkasama kami sa Ilocos. And si Beauty Gonzalez din so yung mga nagpunta doon are really my close friends," paglilinaw ni Ellen.

Bukod kay John Lloyd, nilinaw din ni Ellen ang umuugong na balita patungkol naman sa kanila ni Rico Blanco.

"Wala kami ni Rico are just friends, kami ni Blanco. Alam mo si Blanco ang tagal-tagal na namin magka-kilala. High school pa lang ako hindi pa ako nag showbiz, ginagago lang namin ang mga tao. Ang saya e, pinapatulan e nag-post kasi kami ng picture natutuwa kami kasi andami sinasabi ng mga tao," paliwanag muli ni Ellen.

Hangad ngayon ni Ellen na kahit ma-intriga ang kanyang buhay showbiz, maging maayos at tahimik na ang kanyang susunod na buhay pag-ibig.