• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual becomes emotional at “Northern Lights” press conference

Piolo Pascual becomes emotional at “Northern Lights” press conference

Regal Films’ Mother Lily Monteverde shared how generous and kind-hearted the actor is.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/20/2017 4:45 PM
Piolo Pascual becomes emotional at “Northern Lights” press conference


032017-PioloPascual_PUSH.jpgNaging very emotional si Piolo Pascual nang marinig niya ang speech ng Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde bago nagsimula ang presscon ng “Northern Lights: A Journey To Love” kanina.

Hindi napigilan ng aktor ang mapaiyak habang katabi ang co-star na si Yen Santos na panay naman ang hagod sa kanyang balikat.

“Not only do I find him to be a brilliant actor, he is a diligent one as well. His eyes speak of sincerity, his heart, filled with compassion for others.

“Right there and then, I thought this guy would go a long way in his career. I was right,” pahayag ni Mother Lily habang nakikinig si Piolo.

Umabot ng halos 14 years para makabalik ulit si Papa P. sa Regal. Una niyang ginawa noon ang “I Think I’m In Love” with Joyce Jimenez sa naturang production outfit.

“And 14 years after, I wished that he would do another movie with us. ‘Northern Lights: A Journey to Love’ is an answered prayer.

“Our common love and passion for the art led him to a new journey back to Mother Lily and Regal. From the bottom of my heart, thank you, Papa P!” bahagi pa ng speech ni Mother Lily.

Naikuwento rin ng Regal producer kung gaano ganno ka-generous si Piolo sa last day shooting ng movie.

“On the last shooting of Northern Lights, he shared his talent fee with the staff and crew. Nag-iyakan ang mga taga-production sa sorpresa niya sa kanila. They love him to death now,” kwento ni Mother Lily na talaga namang lalo pang nagpaiyak kay Piolo.

Sabi naman ng “Northern Lights” lead actor, sobrang na-overwhelmed siya nang tawagan siya ni Mother Lily last Sunday habang papunta siya sa ASAP. He recalled na bata pa lang siya ay pinapanood na niya ang mga Regal movies.

“Sabi ko, ‘ Grabe, ang sarap ng pakiramdam.’  I was so starstrucked by the thought of having Miss Roselle (daughter of Mother Lily), Mother calling me up, sobra po akong na-overwhelm habang papunta ako sa trabaho ko. Nakakataba ng puso to have Mother Lily call you up. Sabi ko, para akong Regal baby,” sabi ni Papa P.

Patuloy pa ng Ultimate Heartthrob, hindi raw niya akalaing darating siya sa ganitong punto na makakagawa ng pelikula sa Regal tulad ng “Northern Lights.”

“So I’m just really humbled by this. Thank you Mother, thank you Miss Roselle.”

032017-PioloPascual1_PUSH.jpg

032017-PioloPascual2_PUSH.jpg