• Home
  • Fresh Scoops
  • Binibining Pilipinas queens air thoughts on importance of Q&A portion

Binibining Pilipinas queens air thoughts on importance of Q&A portion

Binibining Pilipinas beauty queens react to Q&A portion being given bigger weight in beauty pageants.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/3/2017 7:14 AM
Binibining Pilipinas queens air thoughts on importance of Q&A portion


030317-BBQueens.jpgBig pageant fans ang mga Pinoy at itinuturing na malaking event kapag may mga beauty pageant. Bukod sa swimsuit at evening gown competition, pinaka-inaaabangan din ang mga sagot ng kandidata sa question and answer portion na laging pinag-uusapan gaya sa nakaraang Miss Universe pageant at Binibining Pilipinas.

Hanggang ngayon ay naging malaking issue pa din ang Miss Universe Q&A kung saan si Miss Philippines Maxine Medina ay di gumamit ng interpreter para sumagot.

Ngayon malakas ang ingay sa mga pagbabago sa rules ng Binibining Pilipinas kung saan mas malaking prosyento na ng total score ay mapupunta na sa question and answer portion. Nagbigay pahayag ang mga reigning binibini queens.

Gaya ni Binibing Pilipinas 2016 Miss Intercontinental Jennifer Hammond na pabor at sang-ayon sa mga pagbabago na ito.

“Hindi naman porket beauty contest puro beauty na lang. Dapat mayroon din intelligence at may question and answer portion na dapat paghandaan ng girls na mag-represent sa atin sa ibang bansa,” ani ni Jennifer.

Panibagong challenge naman ito sa mga bagong beauty queens na ihanda ang kanilang kaalaman at ilabas ang opinion sa maiinit na issues ayon kay Miss World 2003 finalist Maria Rafaela Yunon.

“I want Filipinas to be known to be intelligent, not just beautiful but intelligent. We are intelligent, we know what’s going on around us and it’s great to expose that,” pahayag ni Mafae.

Hindi naman sapat ang ganda lang para kay Miss Universe Philippines 2002 Karen Agustin. Aniya, kailangan may laman din ang sinasabi at may boses sa mga adbokasiya na kanyang sinusuportahan. Para kay Karen kumukupas ang ganda kapag pumalya sa question and answer portion

“You know when people say the best answer, they become more beautiful and when best people don’t say the best answers all of a sudden their beauty diminishes in our eyes,” saad nito.

Nagsama-sama ang Pinay beauty queens sa "blind date" na isang charity event para sa Philippine National School for the blind na kanilang sinusuportahan.