Tanner Mata is excited about opportunities after PBB

Tanner Mata wants to be in movies and a teleserye

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/19/2017 10:02 AM
Tanner Mata is excited about opportunities after PBB


031917-TannerMata_push.jpgPresent ang ilan sa mga young kapamilya artists bilang mga bagong endorser ng sa isang sikat na pinoy clothing line.

Kabilang sa bagong campaign ng Club Penshoppe sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Sofia Andres, at ang Pinoy Big Brother 5th Lucky Big Placer na si Tanner Mata.

Sa panayam na ito, naikuwento ni Tanner ang kanyang nararamdaman ngayong nag-uumpisa na ang kanyang showbiz career.

"After PBB [Pinoy Big Brother] life is really exciting. I only have enough time to rest and right now getting on things and I just have to train myself in many processes," bungad na kuwento ni Tanner.

Aminado din ang binata na hanggang ngayon ay hindi pa din siya sanay sa nakukuhang atensyon bilang bagong showbiz personality.

"Not completely yet, but I'm getting there. I was really thrown into it. I'm trying to hang on as much as I can and I'm getting used to it," sabi pa nito.

Excited din si Tanner sa mga bagong oportunidad na maaring magbukas sa kanya ngayon.

"Sana may movies and teleserye. I mean, I don't know what to expect yet, but I'm just excited for the opportunity."

Kuwento pa ni Tanner, natapos man ang kanilang journey sa loob ng Big Brother house ay nanatili pa din daw umano ang magandang pagkakaibigan sa kanila ng mga kapwa housemates.

“Yes I talk with a lot of former housemates and we're so really good friends and we hang out occasionally. But right now I haven't seen them because everyone is working now," sabi pa ng binate.

Sa huli, muling nagpasalamat si Tanner para sa lahat ng suporta na kanyang nakukuha.

"Maraming-maraming salamat talaga to all of you guys for the love and support. I hope you guys keep on watch and support us especially me and I will promise I will not disappoint you guys," pagtatapos na pahayag ni Tanner.