Returning countries heat up Miss Earth 2017 pageant

Finland will be sending a representative this year as well as the countries Panama, Slovak Republic and Haiti.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/20/2017 1:06 AM
Returning countries heat up Miss Earth 2017 pageant


032017-MissEarth_PUSH.jpgMas magiging exciting ang 2017 edition ng Miss Earth beauty pageant dahil magbabalik ang ilang mga bansa at magpapadala ng kanilang delegada matapos ang ilang taon ng absence sa beauty search.

Una na diyan ang pagwawakas ng seven years na absent ang bansang Finland dahil ngayong 2017 ay magpapadala na ang Miss Suomi pageant ng kanilang representative.

Kasunod ang pagbabalik ng Panama, na ‘di nakapag padala ng kandidata last year dahil sa issue ni Cesar Anel na national director ng pageant sa kanilang bansa at muntik pang mauwi ito sa pagbibitiw sa kanyang pwesto.

Ang Slovak Republic at Haiti national directors ay nagbigay na rin ng kanilang suporta sa Miss Earth, at ang launching ng bagong pageant sa Australia, na mayroong bagong local partner.

Ang bansang France naman ay handled na ni Genevieve de Fortenay, na siya ring may hawak ng prestigious na Miss France sa mahabang panahon.

Malaking sorpresa ang naganap sa bansang Spain na binitawan na ang Miss World franchise at ipadadala ang kanilang winning delegate sa Miss Earth.

Nag-renew naman ng kanilang Miss Earth franchise ang Ukraine at Austria matapos ang positive comments sa kanila sa nakaraang pageant.

Undecided sa ngayon ang Germany kung sa Miss Earth ipapadala ang kanilang reigning queen na si Soraya Kohlmann dahil ‘di naipadala ang successor niya na si Lena Broder sa pageant dahil over-aged na ito.

Sa developments na ito mas madadagdagan ng kulay at excitement ang Miss Earth na isa sa inaabangang pageants sa buong mundo taon-taon.