• Home
  • Fresh Scoops
  • Philippines’ super model Tweetie De Leon celebrates her 50th birthday

Philippines’ super model Tweetie De Leon celebrates her 50th birthday

The model recalls her days as an actress on the sitcom “Okay Ka Fairy Ko.”

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/20/2017 1:02 AM
Philippines’ super model Tweetie De Leon celebrates her 50th birthday


032017-TweetieDeLeon_PUSH.jpgNag-celebrate ng kanyang 50th birthday ang dating actress, model at ngayon ay health advocate na si Tweetie de Leon kasama ang ilang piling members of the press na regalo sa kanya ng Organique Acai Berry.

Wala sa itsura ni Tweetie ang kanyang edad kaya’t sinabi niya ang sikreto sa kanyang youthful looks.

"Wala akong diet basta balanse lang ang lahat. Hindi ako vegetarian dahil mahilig ako sa meat pero right servings lang ng lahat and physical activities," kwento niya.

Dito rin binalikan ni Tweetie ang panahon na aktibo siya sa showbiz. Maaalala sa kanyang role bilang "Faye" si Tweetie sa iconic sitcom na "Okay Ka Fairy Ko."

"Alam mo dapat two months lang ako sa show na yun then pinabalik nila ako ng pinabalik hanggang sa anim na taon ako tumagal," paliwanag ni Tweetie. Pabiro ring sinagot ng modelo ang mga tanong kung niligawan din ba siya ni Bossing Vic Sotto.

"Naku hindi talaga, hindi niya yata ako type!" natatawang sabi nito.

Proud din si Tweetie sa kanyang "anak" sa sitcom na si Aiza Seguerra at sa mga pinatunayan nito sa buhay.

"Nakaka-proud si Aiza and hanggang ngayon in touch pa rin kami sa isa’t isa even the staff (of the show)," sabi ni Tweetie.

Sa ngayon, wala sa plano ni Tweetie ang magbalik showbiz at ini-enjoy ang buhay bilang asawa at ina sa kanyang mga anak.

(Mainphoto credit to insteegee IG)