• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiana Valenciano reveals who she wants to collaborate with in her next music video

Kiana Valenciano reveals who she wants to collaborate with in her next music video

The singer says she is enjoying creating new music.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/20/2017 12:54 AM
Kiana Valenciano reveals who she wants to collaborate with in her next music video


032017-KianaValencianoPUSH.jpgMuli naman mapapanuod sa ikalawang pagkakataon ang anak ni Gary Valenciano na si Kiana sa isang music video para sa bagong single nito na "Does She Know."

Sa panayam na ito, naikuwento ng dalaga na personal concept ito ng kanyang kapatid na si Gab Valenciano, na siya ding nag-direct at bumuo ng kanyang music video.

"The first one was with Jake (Cuenca), the other one is a secret but it is coming out this week. It’s very different. I am showing a completely different side of myself," sabi ni Kiana.

Dagdag pa ng dalaga, original music at concept niya ang kanyang mga single, na kanyang paraan na din upang i-explore ang mundo ng musika.

"I think I just really enjoy creating new music and writing and working with different producers. For now, yun muna ang ginagawa ko, exploring all my options, getting to know all these different people. I’m having fun,” paliwanag pa niya.

Happy din ang dalagang anak ni Gary V sa positive feedback na kanyang nakukuha mula sa kanyang mga likha.

"So far it’s positive feedback. Masaya naman ako doon. I think it’s nice to know that people appreciate my type of music especially my parents and mahilig din ako sumayaw. Napapakita ko rin na I am my own person so that’s a good thing," saad pa ni Kiana.

Bukod sa kanyang blossoming career, happy din si Kiana sa magandang takbo ng kanyang relasyon sa singer na si Sam Concepcion, na gusto din niyang maka-collaborate in the future.

"I’d love to collaborate with Sam Concepcion of course. I just have to keep up with him because he’s way more advance than I am. Sam, James, Nadine. They are so talented and they are my friends. How nice to be able to collaborate with a group," masayang kuwento ni Kiana.

Sabi pa niya, napag usapan na din nila Ito ni Sam at ng kanyang mga kaibigankaya posible na mang yari din ito in the future.

"Of course we’ve all talked about it. We’ve discussed it all the time. I think in time, everyone will see what we are all working on," pagtatapos ni Kiana.