Francis Libiran weds partner in Boracay

Francis Libiran and partner exchange vows in Boracay.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/19/2017 10:12 AM
Francis Libiran weds partner in Boracay


031917-FrancisLibiran_push.jpgSa isang ceremony na naganap sa Boracay, nagpakasal ang fashion designer na si Francis Libiran sa kanyang boyfriend, ang businessman na si Christian Mark Jacobs.

Matching navy blue suits ang suot ng dalawa habang naganap ang seremonya na background ang sunset ng world-class island.

Naging madamdamin ang kanilang wedding vows pero may mga bahagi rin na nagbiro si Libiran.

"Today proves that a specific prayer works and God listens, I prayed for a partner who's taller than me."

Sinabi pa ni Francis na love at first sight ang kanilang love story ni Christian na mas naging malalim dahil sa pagkakaibigan.

"I have loved you on the first day I met you, and I will love you still in the days to come. How can I not when you do not fail to make me feel special every single day?"

Nagkakilala sina Francis at Christian sa Paris noong 2014.

Ilan sa celebrities na nag-attend ng wedding ay sina Kaye Abad, Robin Padilla at Tim Yap na siya ring host ng event.