• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Xian Lim wants to play kontrabida to John Lloyd Cruz, Piolo Pascual and Coco Martin

Exclusive: Xian Lim wants to play kontrabida to John Lloyd Cruz, Piolo Pascual and Coco Martin

Xian Lim opens up about his new action film.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/20/2017 1:19 AM
Exclusive: Xian Lim wants to play kontrabida to John Lloyd Cruz, Piolo Pascual and Coco Martin


032017-XianLim_PUSH.jpgSumabak na rin sa hardcore action na “Corpus Delicti” si Xian Lim pagkatapos niyang mag-drama at manalo pa ng best supporting actor awards sa pelikulang “Everything About Her.”

Ayon sa kuwento ni Xian sa Push.com.ph, nahirapan siya sa kanyang kauna-unahang action movie na idinirek ni Toto Natividad.

“Kilala n’yo naman siguro si Direk Toto pagdating sa paggawa ng action movies, di ba? Napakagaling niya tapos gusto niya talaga okey lahat ng mga eksena. “Siguro times five ng drama yung paggawa ng action kasi paikut-ikot yung kamera, eh. Ang daming shots na kailangan. May saksakan, barilan,” simula ni Xian. First time din daw niyang humawak ng baril at magpaputok kaya talagang nanibago siya.

“Nagugulat ako sa baril. Tahimik lang kasi ako. Yung bahay kasi namin hindi naman masyadong maingay. Hindi rin ako nagpapaputok, so natatakot ako do’n sa pagputok ng baril.

“Sabi ko, ‘Oh, test fire muna.’ Eh, mahal pala ang bala kasi P50 kada putok, puwede namang mag-test fire pero siyempre dagdag yon sa production cost,” sabi pa ni Xian.

Bukod sa paggawa ng action film ay handa na ring gumanap bilang kontrabida si Xian. Kani-kaninong actor ba niya gustong magkontrabida? “Kanino ba magandang magkontrabida? Ah, siguro kay John Llody (Cruz), Piolo (Pascual), Dingdong Dantes at Coco Martin. Parang masarap paglaruan, di ba,” tugon pa niya.

Samantala, bagama’t hindi na muna magkasama sa TV projects sina Xian at Kim Chiu, going strong pa rin naman daw ang kanilang samahan. Ayon pa sa actor, wala siyang natatandaan na nagkaroon sila ng big fight ni Kim o matinding selosan.

“Siyempre, hindi naman maiiwasan na may konting pagseselos, normal naman yon. Pero hindi naman po kami yung tipo na kung mag-away ay sobrang laki. Kung mag-aaway man, napag-uusapan namin agad, nagkakaintindihan agad kami.

“Basta mga petty quarrels lang talaga. Wala akong natatandaan na nagkaroon kami ng sobrang malaking away,” pagmamalaki pa ng guwapong actor.