• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Paul Basinillo praises Gloc-9 and Sarah Geronimo's ideas for their music videos

Director Paul Basinillo praises Gloc-9 and Sarah Geronimo's ideas for their music videos

The director says it was challenging doing the MVs for “Hoy” and “Tala.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/20/2017 12:49 AM
Director Paul Basinillo praises Gloc-9 and Sarah Geronimo's ideas for their music videos


032017-PaulBasinillo_PUSH.jpgIsang karangalan kung maituturing ng direktor na si Paul Basinillio ang pagkilala sa kanyang mga likha ng parangalan ito sa katatapos lang na 2017 MYX Music Awards.

Mula sa kanyang mga likhang music video para kay Gloc 9 sa awiting "Hoy" na naguwi ng Best Music Video at Favorite Urban Music Video, wagi din ang bilang Favorite Song at Favorite Music Video ang “Tala” na kanta ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Kuwento ni Direk Paul, naniniwala siya na sadyang relate ang mga Pinoy sa mga mensahe ng mga likhang awitin ni Gloc9, na sumasalamin sa realidad na buhay ng mga Pilipino.

“It was a very technical music video. The song has a very inspiring message. It exemplifies the best characters of every Filipino. Amidst the hardships, we are still joyful people. That really inspired us to do it in a unique environment like tenement in Taguig," panimulang kwento nito.

Dagdag pa ni direk Paul, naging highlight din ng video ang mga gumanap na talents na nagmula mismo sa komunidad ng tenement.

"We used real talents from the community and they were all very helpful and good actors as well. We choreographed the whole scene to put meaning to Gloc-9’s words. If you view it several times now, you will see all the visual nuances," sabi pa ng director.

Maliban kay Gloc9, proud din si Direk Paul sa mga music video ni Sarah Geronimo gaya ng “Ikot-Ikot,” “Kilometro,” at ang itinanghal na Favorite Music Video na "Tala.”

Sabi pa ni Direk Paul, challenging ang kanilang mga naging shooting ni Sarah dahil sa pagdaan ng mga ito sa masusing editing skills.

“It was challenging for us. We had to shoot everything against a green screen and generate the virtual background. The set was awesomely built and the editing was great thanks to a wonderful and talented team. Thanks to Sarah’s inputs and the awesome choreography of G-force, we were able to come up with something different,” saad pa ni Paul.

Bukod sa pag buo ng mga music videos, nakilala din si direk Paul sa kanyang pag di-direk sa mga concerts gaya ng, JaDine In Love Concert at sa ilang concert ni Sarah Geronimo gaya ng 24/SG.

Sa ngayon looking forward si Direk Paul sa pakikipag trabaho sa iba pang OPM artist na nais mag explore ng kanilang mga kakaibang ideas para sa kanilang future music videos at projects.