• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis denies that her relationship with Kirst Viray is just a gimmick

Kiray Celis denies that her relationship with Kirst Viray is just a gimmick

Kiray Celis also refuses to answer questions on their relationship status.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/18/2017 9:04 AM
Kiray Celis denies that her relationship with Kirst Viray is just a gimmick


031817-Kiray_push.jpg

Present sa rampahan ng MYX Music Awards 2017 ang komedyana na si Kiray Celis kasama ang rumored boyfriend na modelong si Kirst Viray.

First time sa isang showbiz event na makitang magkasama ang dalawa matapos mag-trending at pag-usapan sa social media ang mga larawan ng dalawa na umani ng iba't ibang komento.

"Sa ngayon driver, wala lang kasama ko po ngayon," pagbibirong bungad ni Kiray.

Kapansin-pansin din ang kakaibang aura at mga ngiti ng komedyana pero para kay Kiray maganda lang talaga ang makeup niya.

"Siguro dahil naka makeup ako ngayon?" pagbibiro muli ni Kiray.

Kuwento naman ni Kirst, mahirap umano ang maging driver ng dalaga dahil lagi itong may lakad.

"Okay naman po.. medyo hectic po ang maging driver niya kasi almost everyday may lakad," sabi pa nito.

Bukod dito, enjoy din daw si Kirst tuwing magkasama sila ni Kiray dahil talagang walang dull moment ‘pag magkasama sila.

"Cute, sobrang masaya siyang kasama. I mean, hindi ako na bored pag kasama ko siya." 

Deadma naman ang dalawa sa mga hate comments sa kanilang mga social media accounts.

Ani ni Kiray, "Wala kaming nababasa kasi ayaw na lang namin basahin at Wala kaming pakialam."

"As much as possible, hindi na lang talaga ako nagbabasa kasi mag-iisip ka lang ng kung anu-ano kaya hindi nalang namin binabasa," sabi pa ni Kirst.

Sa tanong ng karamihan tungkol sa estado ng kanilang relasyon, depensa ni Kiray, "Wala kaming isasagot kasi ayaw po namin sumagot."

Bukod dito bumuwelta din si Kiray sa mga nagsasabing gimik lang ang kanilang masayang samahan nang tanungin ito kung saan paano nag-umpisa ang kanilang pagkakaibigan.

"Sa trabaho po na isang movie ni Briliante Mendoza na hindi ipapalabas dito. So sa mga taong nagsasabi na gimik lang to tigilan niyo kami, Nakakainis kasi sinasabi lang na nag promo kami. Naiinis ako pag sinasabing ginagamit niya lang ako. Stop it! Stop it!" Ppagtatapos na pahayag ni Kiray.