• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiana Valenciano says her parents are okay with her relationship with Sam Concepcion

Kiana Valenciano says her parents are okay with her relationship with Sam Concepcion

Kiana Valenciano was first overwhelmed by the reaction to her admission of her relationship with Sam Concepcion.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/18/2017 9:05 AM
Kiana Valenciano says her parents are okay with her relationship with Sam Concepcion


031817-KianaV_push.jpgBlooming at in love ngayon ang only daughter ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana Valenciano matapos nitong aminin ang kanyang relasyon sa singer na si Sam Concepcion.

Masaya at proud ang dalaga sa naging paglalahad niya ng kanyang love life nang minsan ito mag-guest sa Gandang Gabi Vice at mapaamin ni Vice Ganda tungkol sa tunay na estado nila ni Sam.

"I see naman kasi Vice out. He kind of cornered me, wala na akong masagot. The feedback has been pretty good. At first it was a little overwhelming. Siyempre kasi hindi naman ako sanay sa attention na ganun. I’ve lived most of my life kind of under the radar. I’ve been trying to keep a more private life. It was good naman. I didn’t expect so much love from even his supporters. It’s nice."

Bukod dito, bonus din ang pagiging positibong pagtanggap ng kanyang mga magulang na sila Gary V at Angeli Pangilinan sa kanilang pagmamahalan.

"Yeah of course they are okay with him. It’s kind of funny because he’s somehow been part of the family for forever. Siyempre he worked with both my brothers, he’s friends with almost all of my cousins. It’s nice. I like it."

Dagdag pa ni Kiana, mas nakatulong na rin para sa kanila ang naging pag-amin ng kanilang relasyon dahil makakabawas ito ng mga negatibong komento sa kanilang dalawa.

"I just felt a little safer keeping it out of the public eye. Now, not to say that it’s better but it’s good, it’s okay," sabi pa ni Kiana.

Inilarwan din ng dalaga kung paano maging maging boyfriend si Sam.

"I think the best thing about him is he’s very selfless. He’s very caring and very patient. Ano pa ang hahanapin mo sa tao? It’s nice because kapag may disagreement, he really make sure that we get to the bottom of it, in a respectful way. He’s a really good guy. I like that about him. I know that I can be 100% myself when I am with him and it’s great," pagtatapos na kuwento ni Kiana.