• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Rocco Nacino wants to put up beauty clinics in the future

EXCLUSIVE: Rocco Nacino wants to put up beauty clinics in the future

Rocco Nacino is pursuing his Masters degree to fulfill his dream of putting up a beauty clinic.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/18/2017 9:01 AM
EXCLUSIVE: Rocco Nacino wants to put up beauty clinics in the future


031817-RoccoNacino_push-(c)-sa-IG-nya.jpgKahit abala bilang artista at businessman ay nagagawa pa ring mag-aral ni Rocco Nacino. He is now taking up his Masters in Nursing (Masters of Arts in Nursing).

“Pagkatapos kasi niyan puwede akong magturo, puwede kong i-pursue to specialize in aesthetics. Gusto ko rin siyang gawing business. Siyempre, artista ako, nasa field ako ng aesthetic nursing so puwede kong pagkakitaan din and at the same time ginagawa ko yung gusto ko,” kuwento ni Rocco sa Push.com.ph.

Matagal na raw siyang interesado na kumuha ng masteral degree kaya nga lang ay nawalan nang time nu’ng pinasok na niya ang pag-aartista.

“Well, nagtapos ako bilang isang nurse so talagang ando’n yung drive ko to become a doctor. Pero with my situation, nandito ako sa showbiz industry so hindi ko puwedeng pagsabayin. If I really want that, igi-give-up ko yung pagiging artista.”

Bakit sa aesthetics niya gustong mag-specialize?

“Una, it’s in line with my work. Basta nandiyan yan, kasi that’s making use of my fall back. My fall back is being a nurse and if it’s just there, I’m still able to tap it.

“Let’s say something na, like an exercise na matagal mo nang hindi ginagawa tapos bigla mong ginawa ulit, maninibago ka di ba? You don’t want to be like that. So, gusto ko handa ako if ever I’m gonna tap on that again,” katwiran niya.

Balik din pala niyang magtayo ng kagaya ng Belo Medical Clinic in the future.

“Let’s say na parang ganun, oo puwede rin. Hopefully, fingers crossed, but let’s look in the present times. Pero ito talaga munang showbiz ang full focus ko.”

Naikuwento rin ni Rocco na okey ang takbo ng kanyang mga negosyo.

“Doing good naman. Happy kasi nadagdagan kaya talagang ubos ang oras ko sa showbiz saka sa pagpapatakbo ng business.”

Aside from being an actor isa ring athlete si Roco.

“I'm competing in jujitsu tournaments. Isa din yon sa priorities ko, isa yon sa outlets ko kaya ko rin siya ginagawa.”

When asked kung plano rin ba niyang mag-direct someday, ang sagot ni Rocco, “I don’t know, my doors are open naman but now I want to focus on acting and my studies. Forte ko ngayon yan so gusto kong i-capitalize sa ganun.

“I don’t want to be… alam mo yon, yung half-baked. Sa patrabaho behind the camera hindi dapat half-baked. Be rather excel at something talaga,” pagtatapos niya.

Isa si Roco sa bida ng pelikulang Bar Boys na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas sa mga sinehan.

Main photo credit to the owner