• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo on being a parent one day: ‘Dapat aware ako na hindi ko masyado didiktahan ang anak k

Sarah Geronimo on being a parent one day: ‘Dapat aware ako na hindi ko masyado didiktahan ang anak k

Lea Salonga, Sarah Geronimo, and Sharon Cuneta share their thoughts about stage parents.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/16/2017 9:00 AM
Sarah Geronimo on being a parent one day: ‘Dapat aware ako na hindi ko masyado didiktahan ang anak k


031617-SarahGeronimo_PUSH.jpgSa Bandila, ibinalita na nagsulat ng article si Lea Salonga na ang title ay Dear Stage Parents. Ayon kasi kay Lea, meron daw mga magulang na, “para lang maging star ang mga anak nila will be a little underhanded in their tactics.”

Kabaliktaran naman nito ang ina ni Lea, dahil pinupuri ng mga katarabaho niya ang kanyang ina. “Bobby Garcia who directed me in Fun Home and Songs From the Stage were telling her (Ligaya Salonga), ‘you should really hold a seminar before these productions just to tell stage parents how to behave.’”

Si Sarah Geronimo naman ay aminado na gwardiyado siyang pinalaki ng parents niya. “Si Daddy, siya yung talagang singer e sa pamilya namin. Siya yung nagtuturo sa akin, ‘anak ganito ang pagkanta nito,’ si Mama naman sa damit, song choice, showmanship.”

Si Sharon Cuneta naman pinalaki na hands-off sa karera niya ang mga magulang niya kaya ganon din siya sa anak na si KC. Ani Sharon, “Merong stage parents na medyo obnoxious pero merong iba na maganda ang pakikisama pati sa ibang tao.”

Dagdag pa ni Sarah na kung magiging magulang siya isang araw, “baka medyo ganun, kasi ganun ako pinalaki ng magulang ko. Pero dapat aware ako na hindi ko masyado didiktahan ang anak ko.”