• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo, Gloc 9, Darren Espanto and Nadine Lustre dominate 2017 MYX Music Awards

Sarah Geronimo, Gloc 9, Darren Espanto and Nadine Lustre dominate 2017 MYX Music Awards

Sarah G’s “Tala” wins Favorite Music Video and Favorite Song.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/17/2017 1:02 AM
Sarah Geronimo, Gloc 9, Darren Espanto and Nadine Lustre dominate 2017 MYX Music Awards


031617-MyxAwards_PUSH.jpgStar-studded ang 2017 MYX Music Awards na naganap sa Kia Theater sa Cubao QC., Huwebes, March 16. Sa red carpet pa lang kanya kanyang eksena na ang mga personalidad na nagpasigla ng event. Ito rin ang first red carpet walk ng MayWard tandem nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Para kay Maymay dream come true ang lahat ng nangyayari sa buhay niya ngayon.

"Excited po kami sa lahat ng nangyayari sa amin ngayon. Maraming salamat po!" sambit ng dalaga. 

Para naman kay Edward, magkahalong kaba at saya ang maglakad sa red carpet kasama si Maymay.

"Nervous pero every new experience for me is a combination of excitement and nerves," paliwanag nito. 

Sa mga nag-uwi ng parangal, big winner si Sarah Geronimo dahil napanalunan niya ang awards para sa Favorite Music Video at Favorite Song para sa "Tala" at Best Collaboration para sa "The Great Unknown" kasama ang Hale.

Dalawang major awards ang naiuwi ni Darren Espanto, ang Favorite Artist at Favorite Male Artist awards na ikinatuwa ng kanyang fans.

Favorite Female Artist naman si Nadine Lustre at Favorite Media Soundtrack ang "This Time" kasama si James Reid

At si Gloc 9 para sa Special Award for Best Music Video at Favorite Urban Video para sa "Hoy." 

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo kagabi: 

SPECIAL AWARD FOR BEST MUSIC VIDEO: "Hoy" by Gloc 9

FAVORITE MUSIC VIDEO: "Tala" by Sarah Geronimo 

FAVORITE ARTIST: Darren Espanto

MAGNA AWARDEE: Vic Del Rosario

FAVORITE MALE ARTIST: Darren Espanto 

FAVORITE FEMALE ARTIST: Nadine Lustre

FAVORITE NEW ARTIST: Ylona Garcia

FAVORITE MEDIA SOUNDTRACK: "This Time" by James Reid and Nadine Lustre 

FAVORITE SONG : "Tala" by Sarah Geronimo 

FAVORITE REMAKE: "Paraan" By Sharlene San Pedro

FAVORITE MELLOW VIDEO: "Di Ka Man Lang Nagpaalam” by JK Labajo 

FAVORITE ROCK VIDEO: "Videoke Queen" by Rico Blanco 

FAVORITE URBAN VIDEO: "Hoy" by Gloc 9

FAVORITE INTERNATIONAL VIDEO : "Closer" by The Chain Smokers 

FAVORITE GUEST APPEARANCE IN A VIDEO: Nash Aguas  in “Pakipot Suplado” by Alexa Ilacad

FAVORITE MYX CELEBRITY VJ: Elmo Magalona

FAVORITE COLLABORATION : "The Great Unknown" by Sarah Geronimo and Hale 

FAVORITE GROUP: The Juans Band