• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion: ‘Hindi mo kailangan maging mayaman o sikat para makatulong sa iba’

KC Concepcion: ‘Hindi mo kailangan maging mayaman o sikat para makatulong sa iba’

KC Concepcion helps feed children in Maguindanao.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/16/2017 11:05 AM
KC Concepcion: ‘Hindi mo kailangan maging mayaman o sikat para makatulong sa iba’


03171-KCConcepcion_PUSH.jpgSa segment na “How To Be You Po?” sa TV Patrol, ibinalita na pumunta sa Maguindanao si KC Concepcion para tumulong sa pagpapakain sa mga bata doon. Nakalikom kasi si KC ng isang milyong piso mula sa pagbebenta ng mga gamit niya. Kakabit ito ng kanyang role bilang UN Ambassador para sa World Food Program.

Ayon sa report, ang mga lugar na pinuntahan ni KC ay lugar kung saan may karahasan. Nagugutom din dito ang mga bata, kung kaya ang feeding program ay pantulong hindi lang para mapakain ng masustansiya ang mga bata kundi para din patuloy silang mag-aral.

Ani KC, hindi nakakatakot na pumunta sa Maguindanao at para patunayan ito, isinama pa niya ang kanyang mga kaibigan. “Hindi mo mararamdaman ang takot at all na common na naiisip ng mga Pinoy pag pinapakita yung Mindanao sa TV. Never ko yun na feel kasi ang babait ng mga tao talaga.”

Sa tanong na “how to be you po,” ani KC, “hindi mo kailangan maging mayaman o sikat para makatulong sa iba. Hindi mo rin kailangang pumunta ng malayong-malayong lugar.”