• Home
  • Fresh Scoops
  • Joseph Marco is happy that Alex Gonzaga is in a relationship

Joseph Marco is happy that Alex Gonzaga is in a relationship

Joseph Marco admits he was not ready to commit to a relationship at the time he was close to Alex Gonzaga.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/16/2017 9:03 AM
Joseph Marco is happy that Alex Gonzaga is in a relationship


031617-JosephMarco_PUSH.jpg

Kay Joseph Marco mismo nanggaling ang tsika na napapanaginipan niya si Maja Salvador na leading lady niya sa teleseryeng Wildflower ng ABS-CBN.

“Honestly, napaniginipan ko si Maja. Nakakatawa. Maybe because ginagawa namin ‘yung Wildflower kaya napaginipan ko siya,” pagtatapat ng hunky actor.

Ayon pa kay Joseph, wala raw namang masama sa panaginip niya kay Maja.

“Wholesome ‘yung panaginip. Basta parang magkasama kami sa isang park, ‘yun lang ang naaalala ko. Tapos parang nagising na ako,” dagdag na kuwento niya.

Nu’ng time na katrabaho rin niya si Alex Gonzaga sa Pure Love ay napapanaginipan din daw niya ang aktres.

“Ganu’n naman siguro pag lagi mong kasama, si Alex (Gonzaga) dati, napanaginipan ko rin,” sey pa niya.

Samantala, aminado si Joseph na nasa kanya ang problema kaya hindi natuloy sa isang relasyon ang magandang pagkakaibigan nila noon ni Alex.

“Siguro, hindi pa ako ready. I mean, may time na nagustuhan ko si Alex pero not enough. Kumbaga, hindi ako ready, hindi ako ready talaga. So wala sa kanya ang problema,” paliwanag ni Joseph.

“Siguro, pag dumating ‘yung time na nag-30 ako (he’s 28 now), pag okay na talaga ako, siguro, that’s the time na pwede na.”

Eh, bakit ba hindi pa siya ready?

“Kasi, alam n’yo po, since nag-26 ako, parang nag-iba ‘yung concept ko sa buhay, eh. Before kasi, okay, gusto ko magka-girlfriend, ganyan-ganyan, pero nung nag-26 ako, hindi, eh, parang kailangang unahin ‘yung negosyo, kailangang unahin ‘yung family, kailangang well-equipped ka bago ka pumasok sa isang relationship. Kasi ang hirap na nag-i-struggle ka, papasok ka ng relationship. So, nahahati ang atensyon mo.

“Okay lang na magkaroon ka ng maraming negosyo, naaalagaan mo ‘yung family mo and that’s the time na mag-girlfriend ka. I think, that’s the proper way,” paliwanag ng binata.

Masaya naman daw siya na nakatagpo na si Alex ng lalaking mamahalin.

“Nakikita ko naman na masaya siya ngayon. Kasi, nung time na ginagawa namin ‘yung Pure Love, very emotional siya, eh. Alam mo ‘yun?

“Bilang isang leading man, makikita mong ganu’n ‘yung leading lady mo, may pinagdadanaan, nakakaawa rin, eh. So, you know, ginawa ko lahat parai-entertain siya.”

Nanghihinayang ba siya na hindi sila nagkatuluyan ni Alex?

“Siguro, kung hindi sila nag-end up na okay, siguro do’n ako manghihinayang. Pero you know, makita ko lang na masaya siya, makita kong okay ang relationship nila, okay na ako do’n, masaya na ako para sa kanya,” pagtatapos ni Joseph.