Donny Pangilinan getting ready for possible acting projects

MYX VJ Donny Pangilinan wants to explore acting next.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/16/2017 9:06 AM
Donny Pangilinan getting ready for possible acting projects


031617-DonnyPangilinan_PUSH.jpgNaging espesyal at memorable naman ang naging pagdiriwang ng MYX VJ host at rising star na si Donny Pangilinan ng kanyang 19th birthday kung saan gingugol niya ito kasama ang mga taga-suporta.

Dito all-out support ang buong pamilya niya na kasama ni Donny sa kanyang first meet and greet at bonding with fans.

"Grabe po.. Since then the fans are super supportive and everything I do… The engagement has been going up so much and sometimes it's so surprising that I can't really explain in words what's going on. But right now, I'm really thankful at grabe talagang nakaka-excite," panimula nito.

Thankful ang binata sa support ng kanyang mga magulang na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan. Kuwento pa ni Donny, never daw silang naging over protective at stage parents.

"Maybe a little bit of both [Stage parents and Over protective] but they know where to draw the line," saad pa nito.

Kuwento pa ni Donny, hindi din nagkukulang ang kanyang mga magulang sa pagpayo sa kanyang mga nagiging desisyon sa buhay.

"Keep your feet on the ground, always glorify God and just keep being yourself."

Sa ngayon, nag-lo-look forward si Donny sa upcoming projects, kung kaya bilang paghahanda nag-umpisa na din siya na mag-enroll sa mga acting workshops.

"Well I want to pursue acting. I'm taking workshops and let us see what happens. Nag-hihintay lang naman din kami ng projects and they have it naman but the word is they assessing everything right now all the deals what's on inside well see I hope this will going to be a big year for me," pagtatapos na kuwento ni Donny.