Bea Alonzo regrets at LA Marathon for Gerald Anderson

Bea Alonzo reveals her biggest insecurity

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/16/2017 8:50 AM
Bea Alonzo regrets at LA Marathon for Gerald Anderson


031617-BeaAlonzo_PUSH.jpgSa TV Patrol, inamin ni Bea Alonzo kung ano ang kanyang insecurity. “Ako tabain, kaya yun ang number one insecurity ko.”

Pero mas confident na raw siya ngayon. “You know what’s funny? Nung bata ako mas marami akong ginagawa sa sarili ko. I put more makeup but as I age mas confident ka na.”

Ang sikreto daw niya sa kanyang svelte figure ay, “I don't eat beef and pork anymore since January.”

Ang paborito namang facial feature ni Bea ay, “siguro yung kilay ko dahil maraming nagsasabi na maganda ang kilay ko. Nilagyan lang ni Ting ng mascara para lang tumayo siya.”

Inpirasyon din ni Bea ngayon ang kanyang special someone na si Gerald Anderson at naghihinayang siya na hinid siya nakasama kay Gerald sa LA Marathon para i-support ito. “I wish I could go with him.”

Kinahihiligan naman ni Bea ngayon ang gardening at baking.