• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sunshine Cruz remains mum on corruption charges against Cesar Montano

EXCLUSIVE: Sunshine Cruz remains mum on corruption charges against Cesar Montano

Sunshine Cruz also speaks up about her ongoing annulment case.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/15/2017 10:15 AM
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz remains mum on corruption charges against Cesar Montano


031517-SunshineCruz_PUSH.jpgHindi nagbigay ng kahit anong reaksyon sa amin si Sunshine Cruz tungkol sa kasong kinasasangkutan ngayon ng ex-husband niyang si Cesar Montano na itinalagang COO ng Tourism Promotions Board (TPB) na nasa ilalim ng Department of Tourism.

Ang tangi lang nasambit sa amin ni Sunshine, “Sana malusutan niya yan. Kasi kahit ano namang mangyari, tatay pa rin siya ng mga anak ko.”

Hindi na rin nagbigay ng kahit anong reaksyon si Sunshine kung nagulat pa ba siya na kinasuhan ang dating asawa ng mga empleyado ng TPB.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagga-grant ng korte ang isinampa niyang annulment case sa estranged husband.

“Aba’y magpo-four years nang naka-file ang annulment. I don’t understand bakit until now, wala pang desisyon,” bulalas ng aktres na lumabas na ulit ang karakter sa Wildflower series ng ABS-CBN.

Naiinip na ba siya?

“Lahat naman tayo (naiinip), pero patience lang. It’s been almost four years. And I think, we both deserve freedom,” sagot niya.

Patuloy pa ni Sunshine, “May sarili na siyang buhay. Ako naman, I’m starting a new life now, so, I just hope that sooner or later ma-grant na kasi wala na, eh, di ba?”

Aminado ang aktres na hindi naman apektado ang relasyon nila ni Macky Mathay kahit pa masasabing hindi siya free legally. Wala rin daw siyang pakialam kahit pa anong isipin ng ibang tao.

“Siyempre, hindi naman natin naiiwasan na may mga tao na conservative or judgmental, but whatever it is, I really don’t care about them. What’s important is wala naman tayong tinapakang tao at sinira.

“Ang importante, masaya kami. So bahala na sila if palagay nila masama yung ginawa ko, eh, di sige,” paliwanag niya.

“Hindi naman ako nandito para pilitin o ipwersa sila na gustuhin nila yung desisyon ko. I’m here to live for my own and my children. So, as long as I know na wala akong ginawang masama, bahala na silang mag-isip ng gusto nilang isipin,” katwiran pa niya.

Balak pa ba niyang magkaroon ng anak kay Macky?

“My God, I’m 39. Ang dami ko ng anak. Parang okey na rin naman ako. Basta yung three girls ko, they are my priority, nothing more, nothing less.

“And of course, thankful ako na hindi naman ako nawawalan ng trabaho at raket, yon ang importante – yung maibigay ko lang yung pangangailangan ng mga anak ko. Makapag-provide ako sa kanila at yon ang focus ko talaga ngayon.

“Saka siyempre, naka-focus din ako sa kaso, yung annulment, yung kung ano pa man, na sana matapos na kasi nakakapagod din sa totoo lang. Nakakapagod ang kasuhan,” pagtatapos ni Sunshine sa Push.com.ph.