• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina’s ex-boyfriend and showbiz friends attend Hazelberry Cafés grand opening

EXCLUSIVE: Ara Mina’s ex-boyfriend and showbiz friends attend Hazelberry Cafés grand opening

Ara Mina says her ex-boyfriend remains supportive of her work.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/15/2017 9:55 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina’s ex-boyfriend and showbiz friends attend Hazelberry Cafés grand opening


031517-AraMina_PUSH-(c)-sa-IG-nya.jpgStar-studded ang grand opening ng Hazelberry Café ni Ara Mina at ng kanyang mga kasosyo na ginanap nu’ng Sunday (March 12) located at The Vibe Gastro Hub (No. 9 Mindanao Avenue, Quezon City).

Present sa affair at maagang dumating ang ex-boyfriend ni Ara na si Bulacan Mayor Patrick Meneses na naging abala sa pag-aalaga ng anak nilang si Amanda.

Sabi ni Ara, hindi niya kasosyo si Patrick sa business pero lagi raw itong nakasuporta sa kanya.

Ilan sa mga nakita naming celebrity friends ni Ara na nasa opening ng bagong resto bar business ay sina Gladys Reyes with husband Christopher Roxas, Jestoni Alarcon, Jenny Miller, Francine Prieto at Ynez Veneracion.

Dumating din ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Mathay kasama ang kani-kanilang mga kids. Present din sina Tirso Cruz III kasama ang asawang si Lyn Cruz. Nauna namang dumating sa kanila sina Rodjun Cruz at girlfriend nitong si Diane Medina.

Nakita rin namin sa event sina Martin del Rosario, Janus del Prado, Maureen Larrazabal and beauty queen MJ Lastimosa.

Nagpunta rin ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes pero nagmamadali itong umuwi para sa anak na naiwan sa bahay.

Kasama naman nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na dumating ang anak nilang si Jayda Avanzado.

Hindi rin siyempre nawala sa event ang mga kumare ni Ara na sina Say Alonzo at Jan Marini na nakipag-jamming pa sa acoustic band.

Almost midnight na halos nang dumating si Ronnie Alonte. Sey ni Ronnie sa amin, galing pa raw siya sa birthday celebration ni Julia Barretto. Sandali lang din siya sa Hazelberry Café dahil babalik daw ulit siya sa party ni Julia.

Operational na ang Hazelberry Café. Mga special recipe and pastries na si Ara mismo ang gumagawa ang isini-serve dito.

1-aramina.jpg

2-aramina.jpg

3-aramina.jpg