• Home
  • Fresh Scoops
  • Ellen Adarna reacts to possible meeting with World’s Hottest Math Teacher Pietro Boselli

Ellen Adarna reacts to possible meeting with World’s Hottest Math Teacher Pietro Boselli

Ellen Adarna relates how she first heard about World’s Hottest Math Teacher Pietro Boselli wanting to meet her.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/15/2017 10:18 AM
Ellen Adarna reacts to possible meeting with World’s Hottest Math Teacher Pietro Boselli


031517-EllenAdarna_PUSH.jpgHot topic ngayon sa social media ang sexy actress na si Ellen Adarna matapos magpahiwatig ng tinaguriang 'Worlds hottest Math teacher' na si Pietro Boselli na gusto siya nitong makilala. Nasa bansa ngayon si Pietro para sa isang endorsement.

Sa panayam naman na ito kay Ellen, tila kinilig ang aktres nang una niyang nalaman ang balitang ito mula sa kanyang kaibigan.

"Tuwang-tuwa naman ako... Nag text yung friend ko sabi 'uy girl I go mo na yan si Pietro.' Sabi ko, ‘bakit?’ ‘Bet ka kasi e.’ O ‘di ba bigla akong naging interested in Math, and Math is my favorite subject from now on," masayang pahayag ng aktres.

Pagbibiro pang pahayag ni Ellen nais umano niyang magpaturo pa ng karagdagang kaalaman sa Math.

"Siguro okay na ako sa addition, subtraction, multiplication, and division. And pwede din siguro in calculus," pagbibiro pa nito.

"Siguro ako yung una niya nakita niya kasi ako yung cover ng Cosmo Magazine, and I think nasa loob siya ng cosmo for that particular print ad," ani pa ni Ellen.

Dagdag pa ni Ellen, okay lang sa kanya na may mga tao na gustong-gusto makipagkilala sa kanya.

"Why not? I'm open naman din to dating and meeting new people so, okay lang," saad pa nito.

Speechless naman si Ellen ng hingan ito ng mensahe para kay Pietro Boselli na umaasang makita siya.

"Ano ba? Wala ako masabi.... Hi!! I can't wait to see you." Kinikilig na pahayag ni Ellen.