Rey Valera and Ogie Alcasid to help TNT finalists

TNT judges Rey Valera and Ogie Alcasid plan to help the finalists with their musical careers.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/14/2017 8:51 AM
Rey Valera and Ogie Alcasid to help TNT finalists


031417-ReyOgie_PUSH.jpgDalawa sa mga hurado sa naganap na Tawag Ng Tanghalan Ang Huling Tapatan ay ang singers at songwriters na sina Rey Valera at Ogie Alcasid. Matapos ang show at itanghal na winner si Noven Belleza, nagpahayag sa ating solo interview sina Rey at Ogie na tutulungan nila sa abot ng kanilang makakaya hindi lang si Noven kundi ang iba pang finalists.

Para kay Ogie matagal nya na ito ginagawa bilang tulong sa OPM artists.

"Ngayon pa lang totoong magsisimula ang journey nila magugulat sila sa lahat ng opportunities na dadating at mag-iiba ang buhay nila for the better."

Si Rey naman, humahanga na kay Noven bago pa man ang finals.

"Actually nung kinanta niya yung ‘Malayo Pa Ang Umaga,’ sabi ko, ‘Nako! Sigurado maghi-hit yun kapag nirecord niya.’"

Sa finals show na napanood sa TV hindi mapigilan na maging emotional ng mga hurado dahil sa husay at ‘di matawaran na performance ng mga finalists lalo na ang mga naiwan sa final three na marami ang humuhula na malayo ang mararating sa kanilang mga career.