James Reid reveals what to expect from JaDine this year

James Reid admits that his upcoming album was inspired by Nadine Lustre.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/14/2017 9:02 AM
James Reid reveals what to expect from JaDine this year


031417-JamesReid_PUSH.jpgIbinalita ni James Reid ang naka-line-up nilang mga proyekto ni Nadine Lustre ngayong 2017. Wala daw munang teleserye at mas nakatuon ang kanilang career sa musika at pag-gawa ng pelikula.

"We've done two teleseryes in one year. It’s very tiring [and] we really want to try something different. We want to focus more on music for a while. It's something I always wanted to do, something I'm really passionate about so I'm giving it a try," panimula nito.

Malapit nang ilabas ang bagong solo music album ni James kung saan siya ang sumulat ng mga kanta. Ani pa ni James, lahat ng mga kanta dito ay tungkol kay Nadine na inspirasyon niya sa musika.

"Maybe a movie this year, but now my album is 99.9 percent complete. Just finishing some touches. The music video is already done. We're expecting to release the first single this month," ani pa ni James.

Mula naman sa kaliwa’t-kanan na endoresment, pelikula, at masayang love life kasama si Nadine, masasabi na ba ni James na kuntento na siya sa ngayon?

"I can't complain. I feel like it's almost perfect. We always want something more and now that I'm here, my dreams are getting bigger each time. Now that I have my album, I want to help and evolve OPM," saad pa ng binata.

Sa mga naglalabasan naman na sexy pictures ni Nadine sa social media, suportado ito ni James at walang issue ito sa kanya.



"Well it's up to Nadine. She's happy she's expressing herself and she's enjoying it. I don't know why others [are] stopping her and limit her. It's not that bad. Other people also wear bikinis specially in the beach," paliwanag pa ni James.

Sa ngayon, inaabangan na ng JaDine fans ang concert tour nila James at Nadine at ang nakaplanong concert album ni James.