Jake Cuenca encounters accident while training for Ironman

The actor had an accident while riding his bike at the Mall of Asia in Pasay City.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/14/2017 4:49 PM
Jake Cuenca encounters accident while training for Ironman


031417-JakeCuenca_PUSH.jpgNaaksidente ang aktor na si Jake Cuenca kaninang 7 ng umaga ngayong araw, March 14 sa may Mall of Asia habang nagbibbisikleta ang aktor bilang bahagi ng kanyang training oara sa sasalihan na Ironman competition.

Ayon sa ama ng aktor na si Juanto Cuenca, bumangga sa truck ang bisikleta ni Jake.

“Biglang preno dahil may malaking truck (sudden brake because there was a big truck). He did not have time to brake,” sabi ng ama ni Jake. Dagdag pa nito, hindi naman masisisi ang driver ng truck dahil si Jake ang bumangga dito.

Sabi pa ni Juanto, anim na buwan nang puspusan ang training ng aktor para sa Ironman.

Natawagan pa ni Jake ang kanyang driver sa telepono matapos ang aksidente na siyang nagdala sa kanya sa ospital.

Dalawang broken bones sa kanyang kamay at sugat sa baba ang naging resulta ng aksidente sa aktor. Ooperahan daw ang nabaling buto sa kamay ni Jake.

May malay naman ang aktor nang ipinasok sa emergency room ng Medical City.

031417-JakeCuenca1_PUSH.jpg

031417-JakeCuenca2_PUSH.jpg

031417-JakeCuenca3_PUSH.jpg

031417-JakeCuenca4_PUSH.jpg