• Home
  • Fresh Scoops
  • Cesar Montano says allegations made by TBP employees are not true

Cesar Montano says allegations made by TBP employees are not true

The actor said it is easy to fabricate stories to destroy his credibility.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/13/2017 8:25 PM
Cesar Montano says allegations made by TBP employees are not true


031317-Cesar.jpgNagsalita na ang Tourism Promotions Board (TBP) Chief Operating Officer na si Cesar Montano na walang katotohanan ang mga alegasyon ng kanyang mga empleyado na ibinigay sa Presidential Action Center (PACE). 

Sa statement na inilabas ng kanyang tanggapan sinabi ni Cesar na walang nakakaalam kung sino ang "TPB employees" at walang humaharap para magbigay ng mga ebidensya para suportahan ang mga akusasyon laban sa kanya.

"The allegations made against the Office of the COO, through a complaint filed anonymously, are baseless and untrue," sabi nito.  

Attached agency ng Department of Tourism ang TPB na siyang nag file ng reklamo laban kay Cesar dahil diumano sa mga questionableng kontrata at nepotismo.

Kasama dito ang pagbibigay ng posisyon sa mga kamag anak ng aktor na redundant o di na kailangan sa tanggapan at ang sinasabing unprofessional behavior ni Cesar.

Kasama sa reklamo ang 12 million pesos na sponsorship sa overseas concert nina James Reid at Nadine Lustre.

"Without proof, anyone can easily fabricate stories with the sole purpose of destroying the credibility of the agency and this administration," sabi pa ni Cesar.  

Kahit marami ang reklamo patuloy pa rin ang paglilingkod niya sa TPB.

"Despite setbacks and political backlash, this office will continue to serve our countrymen and we thank everyone for their continued support," pagtatapos ng aktor. 

Sa isa pang statement nilinaw ng Viva Communications, talent management firm ng JaDine, ang issue : 

"VIVA has not received any consideration from the Tourism Promotions Board for the supposed sponsorship. Thus, no Tourism Promotions Board sponsorship of the Jadine tour will proceed," sabi ng VIVA Sales and Production Vice President Jonathan Martin Montelibano sa kanilang statement.