What are Sam Mangubat’s plans after Tawag ng Tanghalan?

The singer says he is going to miss his fellow contestants who have become family to him since the semis.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/12/2017 4:54 PM
What are Sam Mangubat’s plans after Tawag ng Tanghalan?


031217-Sam_PUSH.jpgTinanghal na nitong weekend si Noven Belleza bilang kaunaunahang Grand Champion sa Tawag ng Tanghalan sa Showtime. Kasabay ng pagkapanalo ni Noven ang pagkapanalo din ng kanyang mga kasama na sina Froilan Canlas at Sam Mangubat bilang bahagi ng top 3 contenders.

Sa panayam na na ito naibahagi ni Sam ang kanyang kagalakan at mga plano ngayong unti-unti nang nagbubukas ang karera niya sa mundo ng showbiz.

"Ngayon po full of happiness, tuloy ang laban, kakanta pa din po tayo," panimula nito.

Hindi man itinanghal na grand champion sa kompetisyon, panalo pa din daw si Sam sa magagandang experience na kanyang nakuha.

"Ang maganda po dito sa Tawag ng Tanghalan, kahit po kami napapahanga po namin ang isa't isa, may ganon po kaming factor, and Noven is really good. He was great and para siyang nag-show at pinakita niya talaga ang best niya, inenjoy na lang po namin ang moment dahil nasa grand finals po kami," ani pa ng binate.

"Anyone po sa amin talagang pinakita ang pang malakasan na song nila. Despite of everyday ang contest, nakapag pakita pa din sila ng todo para sa kanila, Ang inaalala ko po dito yung 'sepanx' kasi siyempre tapos na, hindi na kami magkakasama. Actually parang everyday bahay na namin ang ABS (CBN) studios so ma-mimiss po namin talaga. Yun po ang dilemma po namin sa weeklong finals," paliwanag pa ni Sam.

Sa ngayon looking forward din si Sam na maka-duet sa isang performance ang mga sikat at malalaking bituin gaya ni Gary Valenciano at Yeng Constantino, na nag anunsyo pa na igagawa niya ng kanta si Sam.

"Lahat po ng pwede po, first and foremost si Yeng Constantino , sir Gary Valenciano at madami po. Alam naman po ni Miss Yeng na talagang I really look up to her dahil para sa akin icon siya at isa siya sa mga nag-inspire sa akin kung papano kumilos at mag set ng mind ko bilang musician," pagtatapos na kuwento ni Sam.