• Home
  • Fresh Scoops
  • Ramon Revilla Sr. confined anew one day after his 90th birthday

Ramon Revilla Sr. confined anew one day after his 90th birthday

The former senator’s family asks for prayers for his quick recovery.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/13/2017 1:25 AM
Ramon Revilla Sr. confined anew one day after his 90th birthday


031317-ramon.jpgHumihingi ngayon ng dasal at panalangin ang malalapit na kaibigan ng beteranong aktor at dating senador na si Ramon B. Revilla Sr. na kasalukuyang naka-confine sa ospital isang araw matapos magdiwang ng kanyang 90th birthday.

Ayon ito sa Facebook post ng isa sa malapit sa pamilya Revilla na si Portia Illagan, at sinabi pa nito ay sana mabilis gumaling ang dating senador sa kanyang karamdaman.

"Humihingi po ako ng dasal mula sa inyong lahat para sa minamahal natin na si Sen. Ramon B. Revilla, Sr. na nasa ospital ngayon, mula pa po noong March 9, isang araw matapos ang kanyang ika-90th kaarawan. Sama-sama tayong magdasal para sa kanyang lubusang pag galing,” sabi nito sa kanyang mensahe sa Facebook.

Nagcelebrate pa sa pamamagitan ng isang party si Ramon Sr. ng kanyang kaarawan noong March 8. 



ramon1.jpg


Photo credits to TV Patrol Twitter