• Home
  • Fresh Scoops
  • Froilan Canlas admits he is not satisfied with his performance in “Tawag ng Tanghalan” finale

Froilan Canlas admits he is not satisfied with his performance in “Tawag ng Tanghalan” finale

The singer says Noven Belleza deserves to win the title of Tawag ng Tanghalan champion.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/13/2017 1:14 AM
Froilan Canlas admits he is not satisfied with his performance in “Tawag ng Tanghalan” finale


031317-froilan.jpgSa mahigit isang taon ng paghahanap ng karapat dapat na maging kampeyon itinanghal na si Noven Belleza bilang unang grand champion sa pagbabalik ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Nagtapos man ang kompetsiyon, nagbukas naman ito ng magagandang pagkakataon para sa mga naging kalahok nito kabilang si Froilan Canlas, na itinanghal bilang third placer.









"Sobrang happy po ako na naka tapak po ako hanggang Top 3 ng Tawag ng Tanghalan, sobrang hirap po ang pinagdaan po namin. Hindi lang po alam ng iba yung everyday na practice, yung stress, yung pag memorize ng lyrics tapos biglaang songs pero ganun pa man happy po ako kahit hindi ako yung nag champion," panimulang kuwento ni Froilan.

Naniniwala din si Froilan na deserving si Noven para maging grand champion dahil mistulang nag-concert ito sa performance nito sa kompetisyon 

"Happy po ako for Noven kasi sobrang deserve niya po yung champion na title. Nung napanood ko siya after ng performance niya alam ko na 'Ah okay.' Hindi na ako nag expect," sabi pa ni Froilan.

Aminado naman si Froilan na kahit siya hindi siya kuntento sa kanyang naging performance kung kaya hindi na siya umasa na maiuuwi niya ang championship.

"Ako din po mismo sa performance ko hindi po ako kuntento. Ang dami ko din pong maling lyrics siguro po dahil sa nagulat ako na ako po agad yung kakanta, tapos parang di ako ready," paliwanag pa ni Froilan.

Dagdag pa ng singer, sa ngayon naka depende pa ang magiging desisyon ng management kung ano pa ang mga dapat abangan sa kanya sa mga susunod na mga araw.

"Kung ano man po ang plano ng management sa amin, I’ll just go with the flow," pagtatapos niyang kuwento.