• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Yen Santos admits she’s been single for three years; denies dating a politician

EXCLUSIVE: Yen Santos admits she’s been single for three years; denies dating a politician

Yen Santos denies rumors that her three-year-old sibling is really her child.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/12/2017 8:06 AM
EXCLUSIVE: Yen Santos admits she’s been single for three years; denies dating a politician


031217-YenSantos.jpgInamin ni Yen Santos sa amin na three years na siyang loveless ngayon. Kaya nga nagtataka siya tuwing itatanong sa kanya kung karelasyon pa rin ba niya ngayon ang isang politician na na-link sa kanya noon.

“Tito Leo, ang tagal na ng isyu na yan. Nakakaloka,” bulalas niya sa Push.com.ph.

“Ang akala pa nga nila anak ko yung bata (referring sa kanyang batang kapatid). Hindi ko alam kung bakit ayaw mamatay-matay ng isyu na yan,” nagtataka niyang pahayag.

Patuloy pa niya, “Non-showbiz po yung last ko pero hindi yung politician na yon. Hindi talaga, Tito Leo. Tsismis lang talaga yon.

“Siyempre, alam mo yon, hindi naman maiiwasang may aaligid, pero hindi naman yung talagang dyudyowain, hindi.”

Paglilinaw pa niya, hindi rin daw niya naging close friend ang naturang politician.

“Hindi rin. Hindi din close friend. Talagang ano siya, parang gusto niyang manligaw pero dedma ako. Wala talaga. Ayoko, mahirap na kasi, eh. Mahirap…mahirap talaga.

“And yon nga, after no’n, tapos siyempre meron akong kapatid, so parang do’n na siya lumabas, idinikit na nila yung isyu.”

Eh, ano ang reaksyon niya kapag sinasabi ng iba na yung sinasabing kapatid niya ay anak niya raw?

“Wala. Deadma lang. Saka, kasi bata yon, di ba? Three years old lang po yon, so mahirap madamay,” pahayag niya.

May bago ba siyang manliligaw ngayon?

“Wala, eh. Busy kasi. Hindi talaga muna kasi gusto ko yung susunod kong manliligaw, yon na. Kasi 25 na ako, eh. So gusto ko, may strong foundation na ng relationship para don na didiretso – kasalan na. Pero sa ngayon, hindi pa muna po talaga,” sambit ni Yen.

Samantala, kahit inamin ng dalaga na nakamit na niya ang ultimate dream na makapareha si Piolo Pascual sa pelikulang Northern Lights, handang-handa pa rin daw siyang makatrabaho ibang Kapamilya leading men.

“Kahit naman po sinabi ko noon na parang quota na ako kasi nakapartner ko na si Piolo, marami pa rin po akong gustong makatrabaho. Lahat po ng magagaling na Kapamilya actor, kung pupuwede, gusto kong makatrabaho,” natatawang pagtatapos ni Yen.