• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana says box-office success means more to him than awards

EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana says box-office success means more to him than awards

The director says he will be doing another Star Cinema film in the near future.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/13/2017 1:00 AM
EXCLUSIVE: Direk Jason Paul Laxamana says box-office success means more to him than awards


031317-PaulLaxamana_PUSH.jpgMasaya si Direk Jason Paul Laxamana na binigyan ng graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang kauna-unahang horror film niyang “Pwera Usog” na prinodyus ng Regal Films.

“Hindi ko nga alam na sinubmit ng Regal sa CEB, eh. Nagulat na nga lang ako,” reaksyon ng award-winning writer-director.

Patuloy pa niya, “Challenging ang horror kasi dapat alam mo at ma-perfect mo kung kailan mo bibiglain yung mga tao. Pero bago naman din ako sumabak dito, inaral ko rin ito.

“Inaral ko yung basics like what suprises people. Kung ano ba yung effective na visuals para panakot, inaral ko rin bago sumabak.”

Inamin din ni Direk Jason sa Push.com.ph binibigyan niya ng halaga ngayon ang box-office success ng pelikula kesa magkaroon ng award. “Medyo dumaan na kasi ako do’n sa stage ng mga award-award sa ‘Magkakabaung.’ Ako talaga ngayon, ang goal ko is audience reception or box-office,” deklara niya.

Dagdag pa ng director, “Realization ko lang ito sa sarili ko na parang I can’t keep on doing films just for awards or festivals. If I want a long term career I should prove to people na I can… magkaroon ng return of investment yung mga producers ko, kumita sila, para dumami yung project.

“Yung mga art-art films, I can do that when I’m older. Parang proper setting lang ng goals. Pag mainstream ako, alam ko na for mainstream yung ginagawa ko, I make it a point na ma-enjoy siya ng audience. Pag indie, indie,” pahayag niya.

Naniniwala rin siya na ang sukatan ng success ng mainstream movies ay ang box-office result nito.

“Oo naman, kasi yon naman ang sukatan ng success ng mainstream films di ba? Otherwise hindi naman sila mag-i-invest kung hindi naman profit yung habol which is okey.

“Kaya hindi ako tulad ng ibang independent filmmakers na kapag nag-crossover sa mainstream ay nadi-disilllusion sila, kasi iba yung expectations nila. “Ako, alam ko na kapag nag-shift ako sa mainstream, I need to obey my producer. I need to make the film accessible to the masa para tangkilikin,” paliwanang niya.

Pangatlong mainstream movie na ni Direk Jason ang “Pwera Usog” at lahat ng mga ito ay kumita. His first mainstream was “Love Is Blind” nina Kiray at Derek Ramsay from Regal na sinundan ng “The Third Party” nina Sam Milby, Zanjoe Marudo at Angel Locsin sa Star Cinema.

May gagawin ulit daw siyang pelikula sa Star Cinema pero hindi pa raw niya alam kung alin ang uunahin dito.

“Naghihintay lang naman ako. May contract naman ako, at saka ang dami nilang ginagawa ngayon, may Sarah-John Lloyd. Hindi rin naman ako nangungulit kasi ang dami ko rin namang ginagawa,” pahayag pa niya.